Ebanghelyo: Mateo 5:1-12a
Nang makita ni Jesus ang makapal na tao, umahon siya sa bundok. Naupo siya roon at lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. At nagsimula siyang magturo sa kanila: “Mapapalad ang mga may diwa ng dukha sapagkat sa kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad ang mga nagluluksa sapagkat pagigin hawahin sila. Mapapalad ang mga dimarahas sapagkat mapapasa kanila ang lupain. Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa kata ru ngan sapagkat bubusugin sila. Mapapalad ang mga maawain sapagkat kaaawaan sila. Mapapalad ang mga may busilak na puso sapagkat makikita nila ang Diyos. Mapapalad ang mga nagpupunyagi para sa kapayapaan sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katarungan sapagkat kanila ang Kaharian ng Langit. Mapapalad kayo kung iniinsulto kayo at pinaguusig at sinisiraangpuri dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpalang nasa Diyos para sa inyo.”
Pagninilay
Walang eksaktong bilang kung ilan talaga ang kinikilalang mga banal ng Simbahan. Tinatayang mayroong mahigit 8,000 na mga banal ang itinuturing ng Simbahan. Sila ay mga pangkaraniwang taong tulad nating naluklok sa kabanalan nang altar upang maging halimbawa para sa mga sumusunod kay Kristo. Ang ilan sa kanila’y makasalanan din tulad ni San Agustin ngunit nagsumikap sa pagiging banal at nagging malapit sa Panginoon. Maliban sa mga kilala na nating banal, marami rin ang hindi nakikilala. Pero ang Panginoon mismo ang nakakaalam sa kanilang pagsusumikap upang maging banal habang sila’y nabubuhay pa sa mundo. Ngayong araw, ipinag bubunyi sila nang ating Simbahan sa Kapistahan nang lahat ng mga Banal. Ang pagdiriwang na ito’y nagpapaalala na hindi imposible ang pagiging banal. Tayong lahat ay tinatawag na manatiling banal at tapat sa pagsaksi kay Jesus sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa ating buhay pananampalataya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023