Ebanghelyo: Lucas 17:1-6
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Hindi maaaring wa lang katitisu ran at magpapabagsak sa tao ngunit sawimpalad ang taong naghahatid nito! Mas makabubuti pa sa kanya na talian ng gilingangbato sa leeg at ihagis sa dagat kaysa tisurin at pa bagsakin ang isa sa maliliit na ito. Magingat kayo. Kung magkasala ang ka patid mo, pagsabihan mo siya, at kung mag sisi’y patawarin mo. At kung pitong beses si yang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses din siyang bumalik sa iyo na nagsisisi, pata warin mo siya.” Sinabi ng mga apostol sa Panginoon: “Dag dagan mo ang aming pana nam palataya.” Su magot ang Panginoon: “Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masa sabi ninyo sa punong malaigos na iyan: ‘Mabunot ka at sa dagat ka matanim,’ at su sundin kayo nito.
Pagninilay
Ang paghingi nang kapatawaran ay simula ng pagbabago. Sa pagpapatawad, inaangkin natin ang kasalanan at kinikilala din natin ang pagigi nating makasalanang nangangailangan ng kapatawaran. Nagiging makabuluhan ang paghingi nang kapatawaran kung mayroong pagbabago at pagsusumikap na hindi na babalik sa pagkakasala. Samakatuwid, sa paghingi nang kapatawaran, dapat na suriin kung anong dahilan ng pagkakasala. Anong mga bagay ang nagtutulak sa atin sa pagkakasala? Ito ang dapat natin g wakasan upang hindi na tayo bumalik sa pagkakasala. Kailangan ang pagkilatis sa konsensya sa pamamagitan nang pananalangin at pagninilay. Kahit pa ilang ulit tayong magkakasala, ang Panginoong mahabagin ay patuloy na handang magpatawad. Tayo rin ay dapat maging larawan nang awa ng Diyos sa ating pagpapatawad sa mga nagkakasala sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023