Ebanghelyo: Juan 16:23b-28
At sa araw na iyon, wala na kayong itatanong sa akin sapagkat talagang-tala gang sinasabi ko sa inyo na ipagkakaloob sa inyo anumang hingin ninyo sa Ama sa Ngalan ko. Hanggang ngayo’y wala pa kayong hiningi sa Ngalan ko. Humingi kayo at tatanggap kayo upang maganap ang inyong kaga lakan.
Sa mga paghahambing ko ipina ngu ngusap sa inyo ang mga ito. Ngunit may oras na sasapit na hindi sa pagha ham bing ako mangungusap sa inyo kundi lantaran ko nang ihahayag sa inyo ang tungkol sa Ama.
Sa araw na ’yon, sa ngalan ko kayo hihingi; hindi ko sinasabi sa inyo na makikiusap ako sa Ama alang-alang sa inyo pagkat iniibig kayo mismo ng Ama dahil iniibig n’yo ako at pinani-niwalaang sa Diyos ako galing. Galing ako sa Ama at dumating sa mundo. Muli kong iniiwan ang mundo at papunta sa Ama.
Pagninilay
Nais kong ihalintulad ang kwento ni Apollo sa kwento ng mga may bokasyon. Karaniwan sa mga magmamadre o magpa-pari ang pagsisimula sa pagsisimba araw-araw. Kadalasan din ay humi-hingi sila ng tanda upang makati-yak na tama ang pagka unawa sa tinanggap na tawag. Sa palagiang pakikinig sa Salita ng Diyos at sa pag tanggap ng Katawan at Dugo ni Jesus, may nahihinog na ugnayang tulad ng sinasabi ni Jesus sa Ebang-helyo: “Hindi ko sinasabi sa inyo na makikiusap ako sa Ama alang-alang sa inyo sapagkat iniibig kayo mismo ng Ama.” Juan 16: 26b-27a
Si Apollo’y tumanggap lamang ng binyag ni Juan Bautista. Ka mangha-mangha ang ipinamalas niyang galing sa pangangaral tungkol kay Jesus. Kulang ang kaalaman niya ngunit ganap ang pananampalataya niya. Hindi siya naghanap o humingi ng tanda. Kaya tinulungan siya nina Akila at Priscila upang lalong maging malinaw ang kaalaman niya kay Jesus bilang ang Kristo.
Tapat at maasahan ang Diyos bilang katipan. Kailangan lang ang bukas na pagtanggap upang lubos na matuklasan ang kaganda-hang -loob na naghahanap lang ng mapagbubuhusan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022