Ebanghelyo: Juan 16:16-20
Sandali pa at hindi n’yo na ako mapapansin, at sandali pa at makikita ninyo ako.”
At sinabi ng kanyang mga alagad sa isa’t isa: “Ano itong sinasabi niya sa atin: ‘Sandali pa at hindi n’yo na ako mapapansin at sandali pa at makikita ninyo ako.’ At ‘Papunta ako sa Ama’?” At sinabi nila: “Ano ba itong sinasabi niyang ‘sandali’? Hindi natin maintindihan ang sinasabi niya.”
Naintindihan ni Jesus na gusto nila siyang tanungin kaya sinabi niya sa kanila: “Nagtatanungan kayo tungkol dito dahil sinabi kong ‘Sandali pa at hindi n’yo na ako mapapansin, at sandali pa at makikita ninyo ako.’
Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, iiyak kayo at tataghoy, at magagalak naman ang mundo. Maninimdim kayo ngunit magiging kagalakan ang inyong paninimdim.
Pagninilay
Minsan sa oras ng tahimik na pananalangin, napansin ko na lang na tumulo ang aking luha. Walang nakakita sa pag-iyak ko pero natitiyak kong batid ng Diyos kung gaano kabigat ang pinag daraanan ko noong araw na iyon. Napakarami kong katanungan. Ano pa’t naramdaman kong handa Niyang pakinggan at tanggapin ang lahat ng tanong at hinaing ko. Hindi biro at pakikipag-ugnay sa Diyos. At lalong hindi biro ang mga Salita Niya.
At dahil dito’y sinisikap kong yakapin ang hamon ng palagiang pagbabasa ng Banal na Bibliya. May pananabik at kagalakan kong pinakikinggan ang pahayag at pag-papaliwang ng Salita. Napapansin kong ang dating mahirap unawain ay nagkakaroon na ng kahulugan at timbang sa aking buhay.
Kaya kahanga-hanga ang sigasig ni San Pablo na ipamahagi at ipa-ngalat ang Salita ng Diyos. Alam ni San Pablo na kahit hindi pa mau-nawan ang misteryo ng paglilgtas ng Diyos sa tao, ang hinahasik niyang binhi ay may sariling buhay na tiyak mag-uusbong at mamumunga sa bisa ng Espiritu Santo.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022