Ebanghelyo: Juan 17:20-26
Hindi lamang sila ang ipinapakiusap ko kundi pati ang mga nananalig sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita. Maging iisa sana ang lahat kung paanong nasa akin ka, Ama, at ako’y nasa ‘yo. Mapasaatin din sana sila upang maniwala ang mundo na ikaw ang nagsugo sa akin.
Ibinigay ko naman sa kanila ang luwalhating ibinigay mo sa akin upang maging isa sila gaya nang tayo’y iisa: ako sa kanila at ikaw sa akin. Kaya magaganap sila sa kaisahan, at makikilala ng mundo na ikaw ang nagsugo sa akin, at minahal ko sila kung pa anong minahal mo ako.
Ama, sila ang ibinigay mo sa akin kaya niloloob kong kung nasaan ako’y makasama ko rin sila at mapansin nila ang bigay mo sa aking kaluwalhatian ko sapagkat minahal mo ako bago pa man nagkaroon ng mundo. Makatarungang Ama, hindi ka kilala ng mundo: kilala naman kita at kilala rin ng mga ito na ikaw ang nag sugo sa akin. Ipinagbigay-alam ko sa kanila ang Ngalan mo at ipinagbibigay-alam pa upang mapasakanila ang pag mamahal mo sa akin at ako ri’y mapa sa kanila.”
Pagninilay
Sa katapusan ng maka paring panalangin ni Jesus, binigyang pansin Niya ang mga mananalig pa sa Kanya at idinalangin niya ang kanilang kaisahan. Ito’y naging hamon din sa kanyang mga alagad na maging tanda ng pag-ibig ng Diyos Ama at Anak sa kanilang pagmamahalan sa isa’tisa. Ito’y naganap sa Gawa ng mga Apostoles kung saan nabuo ang mga unang pamayanang Krsitiyano sa pamamagitan ng pangangaral at pagiging saksi ng mga alagad ni Jesus. Isinabuhay ng mga alagad ang mga aral ni Jesus at naging halimbawa ng komunidad. Ang mga naglilingkod sa Simbahan sa iba’t ibang ministeryo ay hinihimok na maging instrumento ng pagkakaisa ng bayan ng Diyos. Marapat na pagsikapan nating mamuhay sa pagibig ng Diyos upang sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa, mabigyang-sigla ang pamayanang Kristiyanong ating pinaglilingkuran.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023