Ebanghelyo: Juan 20:19-23 (o Juan 15:26-27; 16:12-15)
Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Jesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Kapayapaan sa inyo!”
Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon.
At muli niyang sinabi sa kanila: “Kapayapaan sa inyo! Kung paanong isinugo ako ng Ama, ipinadadala ko rin kayo.” At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin.”
Pagninilay
Ang Pentekostes ay kapistahan ng Banal na Espiritu. Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus ay nagdala sa atin ng kaloob ng Banal na Espiritu, ang lakas ng bagong buhay. Ang kapistahan na ipinagdiriwang natin ngayon ay may iba’t ibang aspeto na ipinahayag sa mga pagbasa para sa liturhiya ngayon. Isinalaysay sa Mga Gawa ng mga Apostol ang kaganapan sa Pentekostes; ang ikalawang pagbasa ay nagpapatunay sa kahalagahan ng Banal na Espiritu sa ating buhay Kristiyano; habang sa ebanghelyo ay ipinahayag ni Jesus ang papel ng Banal na Espiritu sa pagpapalalim ng ating pananampalataya at pagsaksi bilang mga Kristiyano. The Holy Spirit is always pictured as a dove. The Holy Spirit is symbolized as strong wind, fire or tongues of fire. But in fact it is an immense and powerful interior reality. The Spirit has the capacity to give a strong or forceful impulse. This impulse is so powerful that it can allow us to overcome human physical limits. It can allow us to overcome fear; it can allow us to speak transcendent language of the gospel. But the Spirit is also “breathing” that gives life; it is the principle or the force behind our discernment. It unmasks our petty interests and guides us to right actions. We cannot be selfish at the same time truly enjoy the happiness of generosity. We cannot be unforgiving at the same time truly enjoy peace and harmony. To live a “Spiritual” life is to allow the Spirit bear fruit in us: patience, benevolence, kindness, fidelity, justice, tolerance and strength to bear difficulties.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021