Ebanghelyo: Juan 14:23-29
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanya: “Kung may nagmamahal sa akin, isasa katuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking Ama at pupun-tahan namin siya at sa kanya kami gagawa ng silid para sa aming sarili. Hindi naman isinasakatuparan ng hindi nagmamahal sa akin ang aking mga salita. At hindi sa akin ang salitang naririnig n’yo kundi sa Amang nagpadala sa akin.
Sinabi ko sa inyo ang mga ito habang namamalagi pa akong kasama ninyo. Ituturo naman sa inyo ng Tagapagtanggol ang lahat – ang Espiritu Santong ipadadala ng ama sa ngalan ko – at ipaaalaala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo.
Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo; kapayapaan ko ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng mundo ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, ni pang-hinaan ng loob. Narinig ninyong sinabi ko sa inyo. ‘Paalis ako pero pabalik ako sa inyo.’ Kung minahal ninyo ako, magagalak kayo’t papunta ako sa Ama pagkat mas dakila sa akin ang Ama.
Ngunit sinabi ko ito nga yon sa inyo bago pa mangyari ito.
Pagninilay
Ang bagong Jerusalem na bumaba mula sa langit galing sa Diyos (Ikalawang Pagbasa) ay nagniningning na parang isang mahalagang bato dahil taglay ang kaluwalhatian ng Diyos. Ito ay larawan ng kaganapan ng paghahari ng Diyos kaya’t wala nang Templo at ang Kordero ang siyang ilawan nito. Napagtagumpayan na ang mga hilahil at di-pagkakaisa na naranasan ng Iglesya ayon sa Unang Pagbasa.
Ang Jerusalem na ina ng mga Judio at ina rin ng mga apostol ang ginamit na larawan ng tagumpay. Sa Jerusalem nabuo at isinakatuparan ang mga kaugaliang Judio na kina-gisnan din ni Jesus. Sa Jerusalem nag-tungo si Jesus kasama ng Kanyang mga magulang at sa huli’y kasama ng Kanyang mga alagad upang manalangin at tuparin ang ipinag-uutos ng kaugaliang Judio.
Ngayo’y dumating na ang takdang panahon: “Paalis ako pero babalik ako sa inyo” Juan 14:28 Dapat nang malaman ng mga alagad ni Jesus ang mangyayari bago pa ito maganap. Siya ay aalis patungo sa Ama subali’t ipadadala naman ng Ama ang Banal na Espiritu sa ngalan ni Jesus. Alam natin sa mga salaysay na hindi naunawaan ng mga apostol ang ibig sabihin ni Jesus. Kaya’t pa-ulit-ulit na lang Niyang sinabi sa iba’t ibang paraan, “Kung mahal ninyo ako” dahil tanging pagmamahal ang magbibigay-linaw sa anumang bagay na hindi natin maabot. Hindi rin kailangang maunawaa’t maram-daman natin ang pagmamahal natin kay Jesus. Sapat nang isakatuparan natin ang Kanyang mga utos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022