Ebanghelyo: Juan 15:12-17
Ito ang kautusan ko: magmahalan kayo kung paano ko kayo minahal. Wala nang pagmamahal na hihigit pa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa kanyang mga kaibigan.
Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo tinatawag na mga lingkod sapagkat hindi alam ng lingkod ang ginagawa ng kanyang panginoon.
Mga kaibigan naman ang turing ko sa inyo sapagkat ipinagbibigay-alam ko sa inyo lahat ng narinig ko mula sa aking Ama.
Hindi kayo ang humirang sa akin, ako ang humirang sa inyo at nagtalaga sa inyo para humayo at mamunga, at mamalagi ang inyong bunga. At ipagkakaloob sa inyo anumang hingin n’yo sa Ama sa pangalan ko.
Iniuutos ko nga sa inyo: magmahalan kayo.
Pagninilay
Una nating natutuhan ang pagmamahal sa pamilya dahil dito nagsimula ang ating pag-iral bilang tao. Dito rin natin unang naranasan kung paano tumanggap ng pagmamahal na s’yang pagmumulan ng uri at paraan ng pagmamahal na maibabahagi natin sa labas ng pamilya.
Hindi binanggit ni Jesus ang pamilya sa utos N’yang magmahal; alipin at kaibigan ang pinagham-bing Niya. Dahil likas ang ugnayan ng pamilya, hindi ito maitatanggi at lalong hindi maiiwasan. Iba sa pag-kakaibigan: ito’y pinipili at pinanga-ngalagaan. Kaya nga’t kung magawa mong mahalin ang iyong pamilya na may dagdag na pagmamahal ng tulad sa kaibigan, ito ang pagsaksi sa pagmamahal na ibinilin ni Jesus.
Sa kabilang dako, kung ang isang kaibigan ay tratratuhin mong alipin – mahalaga lang habang na-papakinabangan – hindi ka tunay na kaibigan. Walang ipinag-iba (Unang Pagbasa) sa Kristiyanong ipinapataw ang kaugaliang Judio sa di-Judio. Hindi tumagos sa pagkatao, kundi sa panlabas lang, ang turo at pag-mamahal ni Jesus.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022