Ebanghelyo: Juan 15:9-11
Kung paano ako minamahal ng Ama, gayon ko rin kayo minahal. Mamalagi kayo sa pagmamahal ko. Kung isasakatuparan ninyo ang mga kautusan ko, mamamalagi kayo sa pagmamahal ko kung paanong isinakatuparan ko ang mga kautusan ng aking Ama at namamalagi sa kanyang pagmamahal.
Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang aking kagalakan at maging ganap ang inyong kagalakan at maging ganap ang inyong kagalakan.
Pagninilay
Kilala ang mga Pilipino bilang lahing pasasa sa cellphone. Maging sa palengke, tricycle station, sa squatters area o sa mga mag-aaral at mga opisina ma pa-pansing higit sa isa ang gamit na cellphone ng nakararami. Lalo na sa mga may negosyo, mahalaga raw na lagi silang “maabot” ng kanilang mga suki, lagi silang “connected” at lagi silang “online”.
Hindi naman pahuhuli sa “avail-ability” si Jesus. Inaanyayahan Niya tayong manatiling “connected” dahil Siya ay palaging “online”. Nakaabang siya sa call and text natin kaya nga laging UNLI ang load Niya. Hindi maaring hindi Siya magtextback o callback ayon sa kailangan natin. Palaging malakas ang signal Niya kahit sa mga deadspot dahil hindi Niya hahayaang maputol ang ating connection. Alam Niyang sa oras na mawalay tayo sa Kanya, mana-namlay ang ating kaluluwa.
Gaano kahalaga si Jesus sa atin? Pinananabikan ba natin ang call and text Niya. Binabantayan ba natin kung online Siya?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022