Ebanghelyo: Juan 15:1-8
“Ako siyang totoong puno ng ubas at ang Ama ko ang magsasaka. Pinuputol niya ang bawat sangang di namumunga sa akin; at pinupungusan naman niya’t nililinisan ang bawat namumunga upang higit pang mamunga.
Ngayon malinis na kayo dahil sa salitang binigkas ko sa inyo. Mamalagi kayo sa akin, at ako sa inyo.
Hindi makapamumunga ang sanga sa ganang sarili, malibang mamalagi ito sa puno ng ubas; gayundin naman kayo, malibang mamalagi kayo sa akin. Ako siyang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang namamalagi sa akin at ako sa kanya, siya ang namumunga nang sagana pagkat hiwalay sa aki’y hindi kayo makagagawa ng anuman. Kung hindi namamalagi sa akin ang sinuman, ihahagis siya sa labas gaya ng sangang natuyo na tinitipon at ginagatong sa apoy at nagliliyab.
Kung mamamalagi kayo sa akin at mamamalagi sa inyo ang mga pananalita ko, hingin ninyo ang anumang loobin n’yo at magkakagayon sa inyo. Sa ganito parangalan ang aking Ama: kapag namunga kayo nang sagana at naging mga alagad ko.
Pagninilay
Sa Unang Pagbasa, maha ha-tungan natin ang mga hindi pagkakaunawaan ng mga mana nampalataya dahil sa mga nakagawiang pagpapahayag ng relihiyon tulad ng pagtutuli. Hindi madaling iwaksi ang mga kaugalian at tradisyon lalo na’t nakadugtong ang mga ito sa pagkakakilala nila sa Diyos. Ito marahil ang nag-udyok kay Jesus na gamitin ang larawan ng paghuhugpong upang ipaliwanag ang matalik na ugnayan ng Diyos at ng tao.
Maaring maghugpong ng dala-wang magkaibang halaman. At mayroon bang mas magkaiba pa sa Diyos at sa tao? Subalit angkop at tumpak ang pagsasalarawan ni Jesus. Totoong idinugtong ng Diyos sa sarili Niyang buhay ang marupok at maralitang buhay ng tao. Hindi ito pagkakamali; sinadya ng Diyos ang paghuhugpong na ito dahil tunay na nais Niyang tamasahing ganap ng tao ang dakila’t dalisay Niyang buhay. Hindi kailanman mauuna-waan ito ng tao hangga’t hindi pa niya nararating ang katuparan ng lubos na pakikipag-isa sa Diyos sa langit. At dahil kapos ang pang-una wa ng tao, kung anu-anong kaugalian at gawang-kabanalan ang itinuturing na hindi maiwawaksi sa pagsasabuhay ng anumang relihi-yon, na wala namang tunay na kaug-nayan sa kaniyang relasyon sa Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022