Ebanghelyo: Juan 14:21-26
Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nag ma mahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nagmamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya at ipamamalas ko sa kanya ang aking sarili.”
Sinabi sa kanya ni Judas, hindi ang Is kariote: “Panginoon, paano mangyaya ring sa amin mo ipama malas ang iyong sarili at hin di sa mundo?” Sumagot si Jesus at sinabi sa kanya: “Kung may nag ma mahal sa akin, isasakatuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking Ama at pupun tahan namin siya at sa kanya kami gaga wa ng silid para sa aming sarili. Hindi naman isinasaka tuparan ng hindi nagmamahal sa akin ang aking mga salita. At hindi sa akin ang salitang naririnig n’yo kundi sa Amang nagpadala sa akin.
Sinabi ko sa inyo ang mga ito habang namamalagi pa akong kasama ninyo. Ituturo naman sa inyo ng Tagapag-tang gol ang lahat – ang Espiritu Santong ipadadala ng ama sa ngalan ko – at ipaa ala ala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo.
Pagninilay
Dalawang magkaibang pag-tanggap ang naranasan nina Bernabe at Pablo: sa isang bayan, sila’y nais batuhin at sa isa nama’y nais silang sambahin! Ang pagpapahayag ng Ebanghelyo ay pagpapahayag ng katotohanan kaya’t ang pagtanggap ng tao ay ayon sa kahandaan nilang harapin ang katotohanan.
Sadyang naghahanap ng Diyos na sasambahin ang tao, at sa kadili-man ng kanyang paghahanap, ma-raming nagiging pagkakamali sa paraan ng pagkilala at pagpapa-rangal. Ipinag-utos ni Jesus na ipa-ngaral ang Mabuting Balita sa buong daigdig dahil nais niyang lahat ay maligtas. Sinumang tumupad sa tinanggap niyang kautusan mula kay Jesus ay nagmamahal sa kanya. Mamahalin naman ng Ama ang nag-mamahal kay Jesus.
Tulad na lamang ng pagkagulat ko nang makita ko ang kapatid ko sa isang larawan sa Facebook. Sweet na sweet s’ya sa misis niya. Para sa aki’y hindi kapani-paniwala. Kaya’t inusisa ko aking pamangkin kung totoo ba ang nakita ko. Laking ka-galakan kong mapatunayan na may ipinagbago na pala ang kapatid ko. Pag-ibig ang dahilan, pag-ibig na ibinahagi ng Diyos sa tao.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022