Pagkaraan ng Pasko tila baumurong lang nang konti ang mgakuko ng mapagsamantala atunti-unti silang hahaba pa.Ang mga may-ari ng simbahannaka-ismid pa rin sa likod ngkangitian nila kanina langnaka-uniporme pa sila nyan.Ang mga nagbibigay ng payoiba naman ang pakikitungosa hindi nila kapwa miyembromga taga-gilid lang paano.Paluhod silang mananalanginang dibdib makatlong tatapikinlabas-masok pa sa sakristiyamay pagtsitsika bago ang Misa.Sila ang laging may karapatangpumuna sa mga kamalianghindi sinasadya, nagmadali,nagkamali o nakalimutan.Mas mainam kaya sa simbahankung ang ipakita sa mismong krusay yaong nagpahirap kay Hesuskasama kong walang karapatan.Upang bago ibaba ang talayakap ko ang mensahe ni Kristohindi pagsilang kundi ang Kanyangpagpanaw – ang ating katubusan.ABRAHAM DE LA TORRE