Ebanghelyo: Lucas 18:9-14
Sinabi ni Jesus ang talinhagang ito tungkol sa ilang taong kumbinsido na mabuti sila at minamata naman ang iba: “Dalawang tao ang umakyat sa Templo para manalangin: Pariseo ang isa at publikano naman ang isa pa. Nakatayong nananalanging mag-isa ang Pariseo. Sinabi niya: ‘O Diyos, salamat at hindi ako gaya ng ibang mga tao—mga magnanakaw, mandaraya, nakikiapid, o gaya ng kolektor ng buwis na iyan. Dalawang beses akong nag-aayuno isang linggo, nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong ari-arian.’
“Nasa likuran naman ang ko-lektor ng buwis at hindi man lang makatingala sa langit. Di-nadagukan niya ang dibdib sa pagsasabing ‘O Diyos, kaawaan mo ako na isang makasalanan.’
“Sinasabi ko sa inyo na ito ang umuwing nasa grasya ng Diyos ngunit hindi ang isa. Sapagkat iba-baba ang lahat ng nagpapakataas at itataas naman ang nagpapakababa.”
Pagninilay
Ang sinumang nagnanais na maging karapat-dapat sa atensyon at pabor ng Diyos, ang pinakamahusay na paraan ay ang pagpapakumbaba at mataimtim na pagsisisi. Hindi maibabaling ng Diyos ang kanyang mga mata sa mga taong mapagpakumbaba.
Huwag tayong maging mapag-paimbabaw sa ating panalangin tulad ng Pariseo. Ang totoong pag-samba ay hindi lamang sa pag-aa-yuno, at pagbigkas ng mga pana-langin. Ang totoong pagsamba ay hindi lamang sa ating pagsunod sa mga kautusan at sa tagumpay natin sa buhay. Ang tunay na pagsamba ay nagsisimula sa isang mapagpa-kumbabang pag-amin na tayo ay mga makasalanan at nangangaila-ngan sa habag ng Diyos.
Ang pag-amin sa ating pagka-makasalanan ay nagbibigay sa atin ng lakas ng loob upang harapin ang kadiliman at gumawa ng isang positibong hakbang upang mabago ito. Ang mga taong nabulag ng ka-nilang pagmamataas ay hindi kai-lan man makakaranas ng awa at pag-ibig ng Diyos, at patuloy na ma-muhay sa isang huwad na realidad.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022