Ebanghelyo: Mateo 5:17-19
Sinabi ni Jesus: “Huwag ninyong akalain na naparito ako para pawalang-bisa ang Batas at Mga Propeta. Naparito ako hindi para magpawalang-bisa kundi upang magbigay-kaganapan. At talagang sinasabi ko sa inyo: habang hindi nababago ang langit at lupa, hindi mababago ni isang kudlit o kuwit ng Batas: lahat ay matutupad.
“Kung may lumabag sa pinakamaliit na ipinag-uutos ng Batas at magturo ng ganoon sa mga tao, ituturing din siyang pinakamaliit sa Kaharian ng Langit. Ngunit kung may magsagawa at magturo ng mga ito sa mga tao, magiging dakila siya sa Kaharian ng Langit.”
Pagninilay
Nasa kalagitnaan na tayo nga yon sa panahon ng Kuwa-resma. Isa sa mga ginagawa natin sa panahon na ito ay magpa-nata na isakripisyo ang mga bagay na sa tingin natin ay hindi importante sa atin. Marami ang nagsasabing hindi sila kakain sa labas, o babawa-san ang paggamit sa social media, o kaya naman ay mas magiging mulat sa mga ginagawa sa kapwa. Sinisikap natin na maging mas mabuting tao.
Inaanyayahan tayo ng Ebang-helyo ngayon na mas ganap na sun din ang mga turo ng Panginoon, hindi lamang sa mababaw o pan-labas na pagsunod nito, ngunit sa malalim at tunay na pagbabago ng sarili. Kung totoo nga tayo sa ating pagtugon sa Ebanghelyo at sa pag-akay sa iba patungo kay Jesus, dapat nakikita ito sa ating mga salita at gawa, sa buong buhay natin. Ang Ebanghelyo ay dapat nanunuot sa buo nating pagkatao.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022