Ebanghelyo: Juan 9:1-41
Sa kanyang pagdaan, nakita niya ang isang taong ipinanganak na bulag. Pagkasabi niya ng mga ito, lumura siya sa lupa at gumawa ng putik mula sa lura at nilagyan ng putik ang mga mata ng tao. At sinabi sa kanya: “Pumunta ka’t maghilamos sa palanguyan ng Siloam (na kung isasalin ay Sinugo).” Kaya pumunta siya at naghilamos at umalis na nakakakita. (…) Dinala nila siya sa mga Pariseo, siya na dating bulag. Araw ng Pahinga noon nang gumawa ng putik si Jesus at nagpadilat sa kanyang mga mata. Kaya muli siyang tinanong ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. At sinabi niya sa kanila: “Nilagyan niya ng putik ang aking mga mata at naghilamos ako at nakakita.” Kaya sinabi ng ilan sa mga Pariseo: “Hindi mula sa Diyos ang taong iyon dahil hindi niya ipinangingilin ang Araw ng Pahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba: “Paanong magagawa ng taong makasalanan ang ganitong mga tanda?” At nahati sila. Kaya sinabi nilang muli sa bulag: “Ikaw, ano’ng masasabi mo tungkol sa kanya pagkat mga mata mo ang pinadilat niya?” At sinabi niya: “Siya ang Propeta!”
Pagninilay
Ang pagbasa sa araw na ito ay nagpapaalala sa atin na ang Diyos ang nagbibigay sa atin ng wastong pagtingin upang makita siya at ang kanyang mga pagkilos sa buhay ng mga tao. Kasabay nito, ipinapaalala sa atin ng Diyos na dapat tayong patuloy na magbantay laban sa espirituwal na pagkabulag. Sa Ebanghelyo, ang tatlong yugto ng paglago ng bulag na lalaki sa kanyang pananampalataya kay Jesus ay nagpapaalala sa atin na kailangan natin ang biyaya ng Diyos upang magkaroon ng mas malinaw na espirituwal na pagtingin sa buhay. Ang mga Pariseo ay nagdusa dahil sa kanilang espirituwal na pagkabulag. Sila ay bulag sa Espiritu ng Diyos. Mayroon silang relihiyon ngunit kulang sila sa diwa ng pagmamahal ni Jesus. Sila ay bulag din sa paghihirap at pagdurusa ng ibang tao sa kanilang harapan. Walang habag sa kanilang mga puso. Sila ay tunay na bulag kapwa sa Espiritu ng Diyos at sa presensiya ng Diyos sa paghihirap ng tao sa kanilang paligid. Kung titingnan, ang taong ipinanganak na bulag, na ganap na ignorante at walang pinag-aralan, ay ang nakakakita ng presensya ng Diyos kay Jesus. D’yos,
“Makakakita ang mga walang paningin,
at magiging bulag ang mga nakakakita.”
Sumagot sila sa kanya: “Tinuturuan mo ba kami, ikaw na ipinanganak na tagos ng mga kasalanan?” At ipinagtabuyan nila siya palabas. Narinig ni Jesus na ipinagtabuyan nila siya palabas. At pagkatagpo niya sa kanya, sinabi niya:
“Nananalig ka ba sa Anak ng Tao?” Sumagot siya: “Sino po siya upang manalig ako sa kanya?”
Sinabi ni Jesus: “Nakikita mo siya at siya ang nakikipag-usap sa iyo. ( Aniya: “Nananalig ako, Panginoon.” At nagpatirapa siya sa kanyang paanan.)
© Copyright Pang Araw-Araw 2020