Ebanghelyo: Marcos 12:28-34
May isang guro ng Batas na nakarinig sa pagtatalo nila. Nang mapansin Niyang tama ang sagot ni Jesus sa mga Sadduseo, lumapit Siya at nagtanong kay Jesus: “Ano ang una sa lahat ng utos?” Sumagot si Jesus na “Ito ang una: Makinig nawa, O Israel! Iisa lang ang Panginoong ating Diyos. At mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso, nang buo mong kaluluwa, nang buo mong pag-iisip at nang buo mong lakas. At pangalawa naman ito: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Wala nang utos na mas mahalaga pa kaysa mga ito.” Kaya sinabi ng guro ng Batas: “Mabuti, Guro, totoo ang sinabi mong isa Siya at wala na maliban sa Kanya. At ang mahalin Siya nang buong puso at nang buong kaluluwa at nang buong lakas, at mahalin din ang kapwa gaya ng sarili ay mas mahalaga kaysa mga sinunog na handog at mga alay.” Nakita ni Jesus na tama ang sinabi nito kaya sinabi Niya: “Hindi ka malayo sa kaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas magtanong sa Kanya.
Pagninilay
Ang ebanghelyo ay nagpapaalala sa atin na ang dahilan ng ating buhay sa Diyos at ng ating pagsunod sa Panginoon ay pag-ibig, isang pag-ibig na hindi lamang isang pakiramdam na nagbabago kundi isang pangako na nananatiling kahit anupaman ang kalagayan ng buhay. Ang tanging paraan upang umunlad sa pagmamahal ay ang hayaan natin ang ating sarili na mahalin ng Diyos, ang alalahanin at pagnilayan ang kanyang kabutihan sa araw araw at upang pahintulutan ang kanyang pagmamahal at awa na turuan tayong magmahal. Ang isang tao na nakararamdam ng pagmamahal ay walang magagawa kundi ang magmahal din. Ang isang tunay na tagasunod ni Kristo ay nabubuhay ng isang buhay na puno ng pagmamahal.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020