Ebanghelyo: Lucas 6:36-38
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Maging maawain kayo gaya ng inyong Amang maawain.
“Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan; huwag ninyong sumpain ang sinuman at hindi kayo susumpain; magpatawad kayo at kayo’y patatawarin. Magbigay kayo, at kayo’y bibigyan—isang saganang takal, siksik, liglig at umaapaw ang mabubuhos sa inyong kandungan. Sapagkat susukatin kayo sa sukatang ginagamit ninyo.”
Pagninilay
Maaaring medyo madali para sa atin na magbigay ng ating oras, kayamanan at ta lento. Ngunit ang patawarin ang taong naka sakit sa atin ng malubha ay isang malaking hamon. O baka naman ayaw lang din natin tala-gang magpatawad. Baka nga gusto din nating maghirap sila dahil sa nagawa nila sa atin. Pero kung tunay na nais nating sundan si Jesus, kai-langan nating magpatawad. Wa lang ibang paraan. Piliin nating maging maawain at magpatawad.
Naaalala mo ba yung taong nag-patawad sa iyo? Napakagandang regalo na ibinigay nila sa iyo. Ang regalong pagpapatawad ay nagpa-palaya sa lahat. Kapag ang taong nasaktan ay nagpatawad, maaari silang magpatuloy sa kanilang buhay nang malaya. Hindi na sila natatali sa pananakit at galit na kasama nito. At ang pinatawad din ay napalaya na! Payag ba akong gawin ang hakbang tungo sa pagpapatawad? Ang sagot ay maaaring hindi agarang oo, ngu nit buksan natin ang puso at gawin ang unang hakbang!
© Copyright Pang Araw-Araw 2022