Ebanghelyo: Lucas 4:24-30
At idinagdag niya: “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggaptanggap sa sarili niyang bayan. Tinitiyak ko sa inyo na maraming babaeng balo noon sa kapanahunan ni Elias nang sarhan ang langit sa loob ng tatlo’t kala hating taon at nagkaroon ng matin ding taggutom sa buong lupain. Gayon pa ma’y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa babaeng balo ng Sarepta sa may Sidon. Marami ring may ketong sa Israel sa kapanahunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinagaling kundi ang Siriong si Naaman.”
Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan para ihulog. Ngunit dumaan siya sa gitna nila at umalis.
Pagninilay
Sa Lumang Tipan, ang mga piniling propeta ay hindi nagmula sa lugar na patutunguhan ng mensahe kundi mula sa ibang lugar. Tulad ni Elias na pinadala sa Sidon at ni Eliseo na nagpagaling sa ketong ni Naaman sa Syria. Sa pagwika ni Jesus na walang propetang kinikilala sa sariling bayan, nagalit ang mga taga Nazaret. Sila mismo’y hindi tumanggap kay Jesus at sa Kanyang mensahe. Ito ang buhay ng isang propetang pi nili ng Diyos. Ang pagsusugo sa mga pinili ng Diyos ay ipinagpapatuloy sa Simbahan tulad ng mga pari, misyonero at mga madre na sinugo upang ipahayag ang Mabuting Balita. Isa itong tanda ng pagkapropeta ng Simbahan na patuloy na sinusugo ng Panginoon upang ipalaganap ang kanyang kaharian sa sanlibutan. Kaya’t marapat lamang na ipagdasal natin at tulungan ang mga pari, misyonero, relihiyoso at mga manggagawa sa simbahan lalo’t higit yaong mga nasa mahirap na lugar at dumaranas ng paguusig sa Kristiyanong pananampalataya. Maging si Jesus ay nakaranas ng paghihirap at pagtanggi sa kanyang pamamahayag. Subalit makaaasa tayo na kapiling natin tuwina ang Panginoon sa ating misyon (Mt. 28:20).
© Copyright Pang Araw-Araw 2023