Ebanghelyo: Lucas 15:1-3, 11-32*
(…) Sinabi pa rin ni Jesus: “May isang ta ong may dalawang anak na lalaki. Sinabi ng bunso sa kanyang ama: ‘Itay, ibigay na ninyo sa akin ang parte ko sa mana.’ At hinati sa kanila ng ama ang ari-arian. Pagkaraan ng ilang araw, tinipon ng bunsong anak ang lahat ng kanya at naglakbay sa malayong lupain. Doon niya winaldas ang sa kanya sa maluwag na pamumuhay. Nang maubos na ang lahat sa kanya, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing ’yon at nagsimula siyang maghikahos. Kaya pumunta siya at namasukan sa isang tagaroon, at inutusan siyang magalaga ng mga baboy sa bukid nito. At gusto sana niyang punuin kahit na ng kaning baboy ang kanyang tiyan pero wala namang magbigay sa kanya.
Noon siya natauhan at nagisip: (…) Titindig ako, pupunta sa aking ama, at sasabihin ko sa kanya: ‘Itay, nag ka sala ako laban sa langit at sa harap mo. Hindi na ako karapatdapat bang tawaging anak mo; ituring mo na akong isa sa iyong mga arawan.’ Kaya tumindig siya papunta sa kanyang ama. Malayo pa siya nang matanaw ng kanyang ama at naawa ito, patakbo nitong sinalubong ang anak, niyakap at hinalikan.
Sinabi sa kanya ng anak: ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa harap mo; hindi na ako karapatdapat pang tawaging anak mo.’ Pero sinabi ng ama sa kanyang mga utu san: ‘Madali, dalhin ninyo ang dati niyang damit at ibihis sa kanya; suutan ninyo ng sinsing ang kanyang daliri at ng sapatos ang kanyang mga paa. Dalhin at katayin ang pinatabang guya, kumain tayo at magsaya sa pag kat namatay na ang anak kong ito at nabuhay, nawala at natagpuan.’ At nagsimula silang mag diwang.
Nasa bukid noon ang panganay na anak. Nang pauwi na siya at malapit na sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga utusan at tinanong kung ano ang nang yari. Sinabi nito sa kanya: ‘Nagbalik ang kapatid mo kaya ipinapatay ng iyong ama ang pinatabang guya dahil nabawi niya siyang buhay at di naano.’
Nagalit ang panganay at ayaw pumasok kaya lumabas ang ama at nakiusap sa kanya. Sumagot naman siya sa ama: ‘Maraming taon na akong nagsisilbi sa inyo at kailanma’y di ko nilabag ang inyong mga utos pero kailanma’y di ninyo ako binigyan ng kahit na isang kambing na mapagpipiyestahan namin ng aking mga kabarkada. Ngunit dumating la mang ang anak ninyong ito na lumustay sa inyong kaya naman sa mga babaeng bayaran, at ipinakatay pa ninyo ang pinatabang guya.’
Sinabi sa kanya ng ama: ‘Anak, lagi kitang kasama at sa iyo rin ang lahat ng akin. Pero dapat lamang na mag diwang at magsaya dahil namatay na ang kapatid mo at nabuhay, nawala at natagpuan’.”
Pagninilay
May isang ama na may anak na pasaway. Madalas paalalahanan ng ama ang kanyang anak ngunit di ito nakikinig at patuloy na sinasalungat ang ama. Dumating ang araw na nagkasala ang anak at mabibilanggo ito kung hindi magbabayad. Na lungkot ang ama pagkat sila’y mahirap lang at walang pambayad. Ngunit dahil labis niyang mahal ang kanyang anak, kanyang ipinagbili ang nagiisa niyang kalabaw na gamit sa hanapbuhay upang mailigtas ang anak. Isa itong karanasan ng tao, lalo’t higit sa mga dukha, na nagpapakita ng makaamang pagmamahal ng Diyos sa kanyang mga anak. Patuloy na hinahanap ng Diyos ang mga nawawala Niyang anak at naghihintay sa panahon na sila’y kanyang matag puan. Gaano man kalaki ang ating kamalian, nais ng Diyos na mapagtanto natin ito at magbalik sa kanya. Sa ating pagbabalik at pakikipagkasundo sa Diyos, sa kanyang dakilang pag-ibig at habag, binibiyayaan pa rin tayo ng grasya at kapakinabangan bilang kanyang mga anak. Ngayong panahon ng Kuwaresma, magnilaynilay tayo at magbalikloob sa Diyos, ang ating Amang patuloy na naghihintay sa ating pagbabalik.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023