Ebanghelyo: Mateo 21:33-43, 45-46
Makinig kayo sa isa pang halimbawa: May isang mayari 6 ng bahay na nagtanim ng ubasan; binakuran ang paligid nito, humukay para sa pisaan ng ubas, at nagtayo ng toreng bantayan. Pinaupahan Niya ang ubasan sa mga magsasaka at naglakbay sa malayo. Nang malapit na ang panahon ng anihan, pinapunta ng may-ari ang Kanyang mga katulong sa mga magsasaka para kubrahin ang Kanyang bahagi sa ani. Ngunit sinunggaban ng mga magsasaka ang Kanyang mga katulong, binugbog ang isa, pinatay ang iba at binato ang ilan.
Nagpadala uli ang may-ari ng marami pang katulong pero ganoon din ang ginawa ng mga magsasaka sa kanila.
Sa bandang huli, ipinadala na rin Niya ang Kanyang anak sa pag-aakalang ‘Igagalang nila ang aking anak.’ Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak, inisip nilang ‘Ito ang tagapagmana. Patayin natin Siya at mapapasaatin ang Kanyang mana.’ Kaya sinunggaban nila siya, at pinalayas sa ubasan at pinatay. Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin Niya sa mga magsasaka?” Sinabi nila sa Kanya: “Hindi Niya kaaawaan ang masasamang taong iyon; pupuksain Niya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay ng Kanyang kaparte sa anihan.” At sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan? ‘Naging panulukang bato ang tinanggihan ng mga tagapagtayo. Gawa ito ng Panginoon; at kahanga-hanga ang ating nakita.’ Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago nito. Nang marinig ng mga punong-pari at mga Pariseo ang mga talinghagang ito, naunawaan nila na sila ang pinatutungkulan ni Jesus. Huhulihin na sana nila Siya ngunit natakot sila sa mga tao na kumikilala sa Kanya bilang propeta.
Ngayon, pagdating ng may-ari ng ubasan, ano ang gagawin Niya sa mga magsasaka?” Sinabi nila sa Kanya: “Hindi Niya kaaawaan ang masasamang taong iyon; pupuksain Niya ang mga iyon at pauupahan ang ubasan sa ibang magsasakang magbibigay ng Kanyang kaparte sa anihan.”
At sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan? ‘Naging panulukang bato ang tinanggihan ng mga tagapagtayo. Gawa ito ng Panginoon; at kahanga-hanga ang ating nakita.’ Kaya sinasabi ko sa inyo: aagawin sa inyo ang kaharian ng Diyos at ibibigay sa isang bayang makapagpapalago nito. Nang marinig ng mga punong-pari at mga Pariseo ang mga talinghagang ito, naunawaan nila na sila ang pinatutungkulan ni Jesus. Huhulihin na sana nila Siya ngunit natakot sila sa mga tao na kumikilala sa Kanya bilang propeta.
Pagninilay
May pananagutan ang nangungupahan sa tagapagpaupa. Darating ang oras na maniningil ang nagpapaupa at kukunin ang nararapat sa kanya. Kasakiman ang nag-udyok sa mga magsasaka upang ipagdamot ang kabahagi ng nagpapaupa. Minabuti pa nilang patayin lahat ng mga sugo at maging ang anak nito upang maangkin ang lupa. Tayo’y pawang mga magsasaka na nangungupahan at pinagkatiwalaang gamitin ang lupa. Meron tayong pananagutan sa ating buhay. Sa bandang huli, tatanungin tayo sa kung ano ang maibibigay natin pabalik sa Ama. Sa simula pa lamang ay marapat ng magpasalamat sa kabutihan ng Ama at sa lahat ng dulot niyang biyaya. Bilang inuupahang magsasaka, responsibilidad nating ito’y alagaan, payabungin, ibahagi at, sa bandang huli’y, ialay pabalik sa Kanya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021