Paulit-ulit nang binabanggit
na ang mundo sa kanyang kalakhan
ay maliit pa rin hindi natin
sukat-akalaing maaari
palang ang ating ulilang biyahe
ay samahan. Lalakad kang isip
ay puno ng pakikisama sa
tantya mo noo’y mga mukha lang
hanggang iyong matuklasang iba
sila ngunit katulad mo pa rin.
Ngingiti ka saka tatanggaping
walang panukat sa tagumpay na
makita ang kanyang mukha roon
sa wangis ng kanyang kabutihan
na meron ang ‘yong kapwa. Lilingon
ka at makikita ang isa pa.
May kislap ang pagtuklas sa tulad
mo’y tumatahak sa kahawig ng
‘yong landas ngunit patungong iba
bagamat kasangang-daan. Siya’y
huli, maaga ka, kaya payag
na siya ay mauna; naalala
na noon ang paghihiwalay ay
dahil sa oras na lumampas at
tinanggap niyang dagdag na tinapay
at inumin. Paghihiwalay may
masiglang pintig pagkat ang kanyang
tunguhin ay ligtas at payapa.
by Abraham de la Torre