Ebanghelyo: Marcos 12:18-27
Lumapit naman kay Jesus ang mga Sadduseo. Sinasabi ng mga ito na walang pagkabuhay na muli, kaya nag tanong sila: “Guro, isinulat ni Moises para sa amin: ‘Kung may mga magkakapatid na lalaki at mamatay na wa lang anak ang isa sa kanila, kailangang kunin ng kanyang kapatid ang kanyang asawa upang magpasibol ng supling sa kanyang kapatid.’ Ngayon, may pitong magkakapatid. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak. Kaya kinuha ng ika lawa ang kanyang asawa, at namatay ring walang anak. Ganito rin ang nangyari sa pangatlo. Silang pito nga ay namatay nang hindi nagkaanak. At sa huli’y na matay din ang babae. Ngayon, sa muling pagkabuhay, kung mabubuhay silang muli, kanino sa pito siya magiging asawa? Ang pito nga ang umangkin sa kanya.
Sumagot si Jesus: “Di kaya bunga ng di ninyo pagkaunawa sa Kasulatan at sa kapangyarihan ng Diyos ang inyong pagkakamali? Sa muling pagkabuhay nga nila, hindi na magaasawa ang lalaki o babae kundi para na silang mga anghel sa Langit.
At tungkol naman sa mga patay at sa muling pagkabuhay, hindi ba ninyo inu nawa ang sinabi sa inyo ng Diyos sa aklat ni Moises, sa kabanata ng palumpong: Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob? Hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo.”
Pagninilay
Hindi naniniwala ang mga Saduseo sa muling pagkabuhay, ngunit lumapit at tinanong nila si Jesus tungkol dito upang bitagin ito. Ginamit itong pagkakataon ni Jesus upang mangaral kung ano ang magaganap sa atin sa muling pagkabuhay. Una, ang muling pagkabuhay ay nangangahulugang hindi natatapos ang buhay ng tao sa kamatayan. Ito ay daan lamang sa buhay na walang hanggan. Ang Panginoon ay Diyos ng mga buhay at hindi ng patay. Ang buhay ay naroroon sa malapit na ugnayan sa Diyos tulad ng sanga na nananatili sa puno at patuloy na yumayabong. Ikalawa, sa muling pagkabuhay magi ging ganap ang ating ugnayan sa Diyos at sa ating kapwa, kung saan tayo’y mamumuhay bilang magkakapatid sa iisang Ama. Ito ang inaasahan natin sa hinaharap. Bilang mga inampong anak kay Jesus, marapat lamang na isabuhay ang pagigi nating magkakapatid sa pananampalataya sa pamamagitan ng pakikipagkapwa sa pag-ibig, kapayapaan at katarungan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023