Ebanghelyo: Mateo 13:31-35
Binigyan sila ni Jesus ng isa pang talinhaga: “Naikukumpara ang kaharian ng Langit sa isang buto ng mustasa na kinuha ng isang lalaki at inihasik sa kan yang bukid. Pinakamaliit ito sa mga buto ngunit paglaki’y mas malaki ito sa mga gulay, at parang isang puno – duma rating ang mga ibon ng langit at dumadapo sa mga sanga nito.” At sinabi ni Jesus ang iba pang talin haga: “Naikukumpara ang kaha rian ng Langit sa lebadurang kinuha ng isang ba bae at ibinaon sa tatlong takal ng harina hanggang umalsa ang buong masa.” Itinuro ni Jesus ang lahat ng ito sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga; hindi siya nagturo sa kanila na hin di gumagamit ng mga talinhaga. Kaya natupad ang sinabi ng Propeta: “Magsa salita ako sa talinhaga. Magpapahayag ako ng mga bagay na natago mula pa sa simula ng daigdig.”
Pagninilay
Sa pamamaraan ng mga talinhaga, pinaunawa ni Jesus na ang pagsunod sa Ka harian ng Diyos ay isang pro seso tulad ng butil ng mustasa na mumunting lumalago upang maging pahingahan ng mga ibon o sa pagtubo na ini ha halo sa harina upang lumaki ang tinapay. Ito rin ang nangyari sa kasaysayan ng Simbahan mula sa mga Apostoles patungo sa mga mun ting sambayanang Kristiyano at sa buhay sanlibutan. Ang Kaharian ng Diyos ay hindi agad-agad dahil sa Kanya ang buong pa nahon. Ang Espiritu Santo ay tatahak kung saan Niya naisin. Kaya huwag nating kalimutan na ang pagsunod sa Kaharian ng Diyos ay hindi lamang dahil sa ating sariling kilos. Ang Espiritu Santo ang kumikilos sa ating paglilingkod. Gayun din, kung mayroong panahon na maranasan natin ang kabi guan o kahirapan sa ating paglilingkod sa Panginoon, huwag nawa tayong mawalan ng pagasa dahil alam ng Panginoon ang ating mga pagsusumikap. Lu mago nawa sa atin ang butil
© Copyright Pang Araw-Araw 2023