Ebanghelyo: Mateo 13:44-52
Naihahambing ang kaharian ng Langit sa kayamanang nakatago sa isang bukid. Kung may makakita nito, ibabaon niya ito uli; at dahil sa kanyang kaliga yahan, ipinagbibili niya ang lahat niyang ari-arian, at binibili niya ang bukid. Naihahambing din naman ang kaha rian ng Langit sa isang negosyanteng naghahanap ng magagandang perlas. Pagkakita niya ng isang perlas na napa kalaki ang halaga, uma lis siya at ipi nag bili ang lahat niyang ari-arian at binili ang perlas. Naihahambing din ang kaharian ng Langit sa isang malaking lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng kung anu-ano. Nang puno na ang lambat, hinila ito papunta sa pampang. At saka naupo ang mga tao at tinipon ang mabu buting isda sa mga timba at iti napon ang mga walang kuwenta. Ganito ang mangya yari sa kata pusan ng mundo. Lalabas ang mga anghel para ihiwalay ang masasama sa mabu buti; at itatapon sila sa nagliliyab na pugon kung saan may iyakan at pag ngangalit ng mga ngipin. At itinanong ni Jesus: “Nauuna waan ba ninyo ang lahat ng ito?” “Oo,” ang sagot nila. Kaya sinabi niya sa kanila: “Kaya bawat guro ng Batas na tinuruan tungkol sa Kaharian ay katulad ng isang ama ng tahanan na may tabihan, at laging may bago at luma sa tuwing kukuha siya.”
Pagninilay
Ang lahat ng tao’y mayroong mga pangarap sa buhay. Ngunit ano ba talaga ang ninanais ng ating mga puso? Kayamanan o mga ari-arian? Katungkulan o kapangyarihan? Mahabang buhay, maayos na hanap-buhay at masayang pamilya? Sa unang pagbasa, nagtanong ang Diyos kay Solomon kung anong kanyang nais hingin. Hindi siya humingi ng mahabang buhay o mga ari-arian. Nang may pagpapakumbaba, humingi si Solomon ng isang puso na maunawain na kayang humatol kung ano ang mabuti at masama. Ito ang kahulugan ng karunungan. Nang nilikha ng Diyos ang tao, binigyan tayo nang handog na karunungan at kakayahang pumili. Isa itong mahalagang yaman o perlas na sa tao lamang ipinagkaloob at hindi maaaring bilhin o ipagpalit sa kung ano mang bagay. Ito ay dapat na gamitin natin ng mainam upang maging karapat-dapat ang ating mga pagpili patungo sa kalooban ng Diyos. Ang sukatan sa mainam na pagpili at paghatol ay ang batas ng pag-ibig na pinagkaloob sa atin ng Diyos. Sa pamamaraang ito, makakamit natin ang makahulugang ugnayan sa Diyos, kapwa, at sangnilikha. Pinaaalalahanan tayo ni San Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Roma na tulad ng turing sa Diyos Ama, maging tulad tayo ni Jesus upang maging magkakapatid at anak tayo ng Diyos. Kay Kristo, ating matutuklasan ang sapat na karunungan. Siya ang Salita na gagabay sa atin sa daan patungo sa buhay na walang hanggan. Gayundin, ating pagbutihin ang karunungan na tulad ni Jesus, ang larawan ng mapang-unawang puso ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023