Ebanghelyo: Mateo 8:23-27
Sumakay si Jesus sa bangka at sumunod sa kanya ang mga alagad niya. Walang anu-ano’y nagkaroon ng malakas na bagyo sa lawa at parang matatabunan na ng mga alon ang bangka. Ngunit tulog si Jesus. Ginising siya nila na sumisigaw: “Panginoon, saklolo! Ma mamatay tayo!” At sinabi ni Jesus: “Ba’t kayo natatakot, kayong napakaliit ng paniwala?” Bumangon siya at inutusan ang mga alon at hangin, at tumahimik ang lahat. Nagulat ang mga tao at sinabi nila: “Anong klaseng tao ito? Sumusunod sa kanya pati mga hangin at dagat.”
Pagninilay
Sa panahon ng pandemyang Covid-19, mayroong tula na lumabas sa internet, “We are not in the same boat: A poem about Covid-19.” Sabi sa tula, hindi tayo nasa isang sasakyan lamang sa panahon ng pan demya. Humaharap tayo sa isang bagyo ng pan demya na may kanya-kanyang sasakyan. Para sa iba, madali lang ang quarantine dahil kahit hindi lumabas ng bahay makakakain pa rin sapagkat nananatiling may salapi o patuloy ang regular na pagsahod sa trabaho sa gobyerno. Gayunpaman, hindi ganoon ang kalagayan nang iba. Hindi talaga iisa ang sasakyan! Matibay ang barkong sasakyan ng iba na sumasagupa sa bagyo ngunit ang iba naman ay mayroon lamang mumunting bangka na madali lang pataubin ng hampas ng alon at ihip ng ha ngin. Ngunit iisa lamang ang nagbibigay ng pagasa sa lahat, ang Panginoon. Sa panahon ng mga bagyo sa ating buhay, naka kaalala tayong mag sumamo sa Pangi noon sa pamamagitan ng panana langin. Siya lamang ang ating sandigan at pag-asa upang tayo’y magpatuloy sa paglalayag.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023