Bangon na, aking Amanda
Umaga na, Sinta
Gisingin mo ang mundo
Ng iyong bango
Ang iyong labi ang papawi ng bawat hikbi
Ng maghapon pag may ambon
At pag dilim ikaw ang bituin
Ang yong ngiti may lugod ang mithi
Ang iyong tawa ligaya, pag-asa
Bangon na, ako ay isama
Magsabog ng saya
Ang daigdig handugan
Ng ating awitan
Ang hiwatig ng ligalig di maririnig
Sa alalay ng iyong hinay
Nabubura mga pangamba
Ang yong tuwa ay mistulang mutya
Ningning, halimuyak, gising na pangarap
Bangon na, Amanda, halika
Idlip ay iwan na
Angkinin ang aking
Buong diwang gising
by: Abraham dela Torre