Ebanghelyo: Marcos 4:26-34
At sinabi Niya: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa. Tulog man Siya o gising, sa gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi Niya namamalayan. Nagbubunga ang lupa sa ganang sarili nito: una’y ang usbong, saka ang uhay at ang butil na humihitik sa uhay. At kapag nagbunga na ito, agad siyang magpapadala ng karit sapagkat sumapit na ang anihan.” At sinabi Niya: “Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinghaga natin ito maipakikilala? Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki na higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa Kanyang lilim ang mga ibon ng langit.” Itinuro Niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinghagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kanilang isipan. Hindi Siya nagturo sa kanila nang hindi gumagamit ng mga talinghaga. Ngunit nilinaw Niya ang lahat sa Kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang.
Pagninilay
Bilang isang guro, palaging ginagamit ko ang mga larawan bilang mga visual aid upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang isang aralin. Si Jesus ay isang naglalakbay na mangangaral; ang kanyang silid-aralan ay ang mundo sa paligid niya at ang kanyang mga tagapakinig. Ginagamit niya ang kalikasan at pang araw araw na karanasan sa buhay bilang mga visual aid upang turuan ang kanyang mga tagapakinig na maunawaan ang kayamanan ng kaharian ng langit. Ang kaharian ng langit ay isang mahiwagang katotohanan, na hindi madaling maintindihan kaya gumamit si Jesus ng pangkaraniwang mga bagay bilang paghahambing. Ang magsasaka ay naghahasik ng mga buto, na dahan-dahang lumalaki. Pinagyayaman sila ng magsasaka ngunit ang buong paglago ng mga buto ay lampas sa kakayahan ng magsasaka. Kailangan nating linangin ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng panalangin, pag-aaral, at patnubay ng Inang Simbahan. Kailangan natin ang Banal na Espiritu na gabayan at tulungan tayong magmahal, mamuhay, at magbahagi ng yaman ng ating Katolikong pananampalataya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2020