Ebanghelyo: Marcos 2:23-28
Naglakad si Jesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pahinga. At habang naglalakad ang kanyang mga alagad, sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at kinain iyon. At sinabi kay Jesus ng mga Pariseo: “Tingnan mo ang ginagawa nila sa Araw ng Pahinga. Hindi ito ipina-hihintulot.”
Ngunit sumagot si Jesus: “Hindi ba ninyo nabasa kailan-man ang ginawa ni David nang nangangailangan siya at nagugutom – siya at ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos nang si Abiatar ang Punong-pari, at kinain ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal ito kaninuman liban sa mga pari, at binigyan pa niya pati na ang kanyang mga kasama.” At sinabi pa sa kanila ni Jesus: “Dahil sa tao kaya ginawa ang Araw ng Pahinga ngunit hindi ang tao dahil sa Araw ng Pahinga. Kung gayon, ang Anak ng Tao ang Panginoon kahit na ng Araw ng Pahinga.”
Pagninilay
May nagtanong sa akin minsan. “Padre, okay lang po bang magtrabaho kahit linggo?” Isang simpleng tanong na mahirap sagutin. Ang nagtanong ay isang saleslady sa mall na kadalasan ay may trabaho sa linggo. Dahil sa kah irapan ng buhay, hindi niya tinang gihan ang alok sa kanya. Pero alam niya na kailangan din niyang magbigay ng panahon sa pagsisimba. Pero ganun na nga, pinili niya ang trabaho.
Sa panahon ni Jesus, ang araw ng pagsamba ay isang banal na araw na hindi mo basta-bastang nilalabag. Kaya naman, ang imahe na tumatatak sa atin ay isang Diyos na parang pulis na naghihintay na tayo’y magkamali at lumabag sa mga utos. Hindi galing sa pagma-mahal o debosyon ang ating mga ginagawa, ngunit sa takot. Minsan pa nga ang kinakatakutan natin ay hindi naman totoo o gawa-gawa lang ng tao. Ipinapaalala sa atin ni Jesus na siya ang Panginoon kahit sa Araw ng Pahinga. Ibig sabihin na siya lamang ang sentro ng ating pananampala-taya at hindi ang mga batas. Si Jesus ba ay sentro ng ating buhay, o, mas inaatupag ba natin ang panuntunan dahil natatakot tayo sa kanya?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022