Ebanghelyo: Marcos 2:13-17
Muli siyang pumunta sa tabing-dagat at lumapit din sa kanya ang lahat. Kaya nagturo siya sa kanila.
Nakita naman niya sa paglalakad si Levi na anak ni Alfeo, na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo ito at sinundan siya.
Habang nanunuluyan naman si Jesus sa bahay ni Levi, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. Talaga ngang marami sila. Ngunit may mga guro ng Batas namang sumusunod sa kanya. Nang makita nila na nasa hapag siya kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis, sinabi nila sa kanyang mga alagad: “Ano! kumakain siyang kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis?”
Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga maysakit! Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.”
Pagninilay
Hindi nahihiya si Jesus na imbi tahin at kausapin ang itinuturing ng mga pariseo na hindi kanais-nais sa lipunan. Lagi niyang sinasabi na narito siya sa mundo para maibalik sa Ama ang mga nawawala niyang mga anak. Sila ang kailangan na makarinig ng Mabuting Balita. Ang kabalintunaan nito ay mas madali pa nilang nata-tanggap ang mabuting balita kaysa sa kung sino pa ang mas handa at may alam sa gawain ng Diyos. Ang mga nagbabalik-loob na maka sa-lanan ang siyang mabilis na nakaka-pasok sa kaharian ng Diyos, kaysa roon sa mga tinatawag na relihiyoso.
Hindi ang pagiging relihiyoso ang siyang magliligtas sa atin. Hindi nga pananampalataya lamang kung ito’y isang pagtupad lamang sa isang obligasyon. Kaya hindi tayo dapat magugulat kung minsan may kakilala tayo na relihiyosong tao, ngunit may dobleng buhay pala. Ang pinakamainam na paraan para hindi tayo magkamaling mahulog sa isang dobleng buhay ay ang totoong pagpapakumbaba at matapat na pagdarasal.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022