Ebanghelyo: Marcos 2:1-12
Pagkaraan ng ilang araw, pumasok siya sa Capernaum. Nang mabalitang nasa bahay siya, marami ang nagtipon doon kaya wala nang lugar kahit sa may pintuan. At ipina-hayag niya ang Salita. May mga tao namang dumating at dinala sa kanya ang isang paralitiko, na buhat-buhat ng apat.
At nang hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, inalis nila ang mga tisa ng terasang nasa ibabaw ng kinaroroonan ni Jesus at pagkabukas nila nito, inihugos nila ang paralitiko na nasa higaan.
Nang makita ni Jesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”
May ilang guro ng Batas naman na nakaupo roon at inisip nila: “Ano itong sinasabi niya? Talagang iniinsulto niya ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di ba’t ang Diyos lamang?”
At agad na nalaman ni Jesus sa kanyang espiritu na ganoon ang kanilang mga niloloob na kaisipan. Kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito? Ano ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka, kunin ang iyong higaan at lumakad’? Dapat ninyong malaman na sa lupa ay may kapangyarihan ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.”
At sinabi niya sa paralitiko: “Ini-uutos ko sa iyo: bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon nga ang tao, agad na kinu-ha ang higaan at lumabas na nakikita ng lahat. Lub-hang namangha ang lahat at nagpuri sila sa Diyos sa pagsasabing “Kailanma’y hindi pa kami nakakakita ng ganito.”
Pagninilay
Si Jesus ay nagtuturo sa atin tungkol sa panalangin. Alala-hanin na tin na hindi kailangan ng maraming sina sabi, o kailangang may sasabihin kung mananalangin. Sinabi rin ni Martin Luther na kung mas kaunti ang mga salita, mas ma buti ang panalangin.
Hindi natin nabasa na hiniling ng paralitiko na dalhin siya kay Jesus para pagalingin. Wala rin tayong anumang nabasa na nagmumula sa kanyang mga kaibigan kung ano ang pakay nila sa paglapit kay Jesus. Gayunpaman, kahit na hindi sila nag-salita, ang pagdadala nila sa kanya kay Jesus ay isang tahimik na kahi-lingan na pagalingin ang kanilang kaibigan. Ito man ay isang panala-ngin. Samakatuwid kung nanana-langin tayo, hindi natin kailangan ng maraming salitang sasabihin, ang kailangan natin ay ang labis na pananampalataya sa Panginoon. Kung sa palagay natin ang ating mga pa nalangin ay tila hindi sinasagot, ito ay siguro dahil sa sobrang pag-sasalita natin sa panalangin. Kaya kailangan din natin na manahimik.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022