Ebanghelyo: Marcos 1:40-45
Lumapit sa kanya ang isang mayketong at nakiusap sa kanya: “Kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” Nahabag si Jesus sa kanya, iniunat ang kanyang kamay, hinipo siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong at luminis siya.
Ngunit mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus sa kanyang pag-alis, sinabi niya: “Mag-ingat ka, huwag mo itong sabihin kaninuman, kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa pagkalinis sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.”
Ngunit pagkaalis ng tao, sinimulan niyang ipahayag ito kahit saan at ipamalita ang pangyayaring ito. Dahil dito, hindi na lantarang makapasok sa bayan si Jesus kundi nanatili siya sa labas, sa mga ilang na lugar. Ngunit may dumarating pa rin sa kanya na kung saan-saan galing.
Pagninilay
Kahit suspetya pa lang na ikaw ay may COVID-19, ilalayo mo na ang sarili mo para hindi ka na makahawa ng iba. Pero hindi yan ang pinakamasakit. Ang masakit ay yaong nilalayuan ka na ng mga mahal mo sa buhay. Hindi mo naman sila masisi, dahil mahirap naman talagang mahawaan ka at maka-hawa sa iba. Gustuhin mo mang ala gaan ka ng mga mahal mo sa buhay, hindi maaari. At hindi rin nila kasalanan yun. Ang kahilingan ng ketongin sa Ebanghelyo ngayon ay hindi lamang isang hiling na mapagaling siya. Hiling niya rin na maibalik na siya sa pamilya niya at bayan niya, na malamang ay iniisip na patay na siya.
Kaya naman noong napagaling na siya, hindi niya maitago ang saya na kanyang nararamdaman. Higit pa sa hiningi niya ang binigay ni Jesus. Ganoon nga siguro kapag natang-gap mo ang pinakaaasam-asam mo at may pasobra pa. Sumasabog ang puso mo sa galak at hindi mo ito maikubli. Alalahanin natin ang mga panahong dininig ang ating mga pa na langin. Tayo’y magpasalamat sa mga biyayang natanggap natin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2022