Ebanghelyo: Marcos 1:21-28
At pumunta sila sa Capernaum. At nagturo siya sa sinagoga sa mga Araw ng Pahinga. Nagulat ang mga tao sa kanyang pangangaral sapagkat nangaral siya nang may kapangyarihan, hindi gaya ng mga guro ng Batas.
May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng isang maru-ming espiritu. Sumigaw ito: “Ano ang kailangan mo sa akin, Jesus na taga-Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka: ang Banal ng Diyos.”
Ngunit iniutos sa kanya ni Jesus: “Tumahimik ka’t lumabas sa kanya.” Matinding niyugyog ng espiritu ang taong iyon at pagkasigaw nang malakas ay saka lumabas.
alagang takang-taka ang lahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Isang bagong pagtuturo na may kapangyarihan! Inuutusan niya kahit maruruming espiritu at sinusunod nila siya.” At lumaganap ang katanyagan niya saan man sa buong lupain ng Galilea.
Pagninilay
Sabi ni Parker Palmer, patung-kol sa mga guro, na “itinuturo natin ang ating sarili” (we teach who we are). Ang isang guro kapag nagtuturo ito, hindi lamang ang mismong kurso ang tinuturo niya. Hindi lamang literatura, o sining o matematika, kundi ang kanyang pagkatao. Ang kanyang pagmama-hal nito, kasama ng kan yang mga adhikain, mga pina hahalagahan, pa-niniwala, ang buo niyang sarili. Kaya naman ang naaalala natin na mga guro, ay hindi lamang yaong mga magagaling sa kanilang pagtuturo, pero yaong nag pakita ng kanilang totoong pagkatao at isinasabuhay nila ang kanilang mga tinuturo.
Kaya nga siguro takang-taka ang mga sumusunod kay Jesus dahil sa ipinamamalas niya. Ang kanyang salita at gawa ay iisa. Isang kata-ngian na mahirap hanapin sa mga Pariseo o mga nagtuturo sa templo. Kitang-kita sa kanyang mga gawa at buhay kung sino siya. Kung titing-nan natin ang ating buhay, ang ating mga sinasabi at ginagawa, ano kaya ang tinuturo natin? Makikita ba si Jesus sa ating salita at gawa?
© Copyright Pang Araw-Araw 2022