Ebanghelyo: Lucas 3:15-16, 21-22
Nananabik noon ang mga tao at nag-isip-isip ang lahat kung hindi nga kaya si Juan ang Mesiyas. At sumagot si Juan sa pagsasabi sa kanilang lahat: “Nagbibinyag ako sa inyo sa tubig pero dumarating na ang isang mas makapangyarihan sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Sa Espiritu Santo at apoy niya kayo bibinyagan.
Nang mabinyagan ang lahat ng tao, nabinyagan din si Jesus. At nabuksan ang langit habang siya’y nananalangin. Bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa pangkatawang hugis ng isang kalapati at narinig mula sa langit ang isang tinig: “Ikaw ang aking Anak, ang aking Minamahal, ikaw ang aking Hinirang.”
Pagninilay
Sino ka? Ano ang halaga mo?Nasa itsura ba, kakayahan, popularidad o bilang ng mga kaibigan nakasalalay ang ating halaga? Lalo pa’t pinapaalala sa atin ng mundo na pera, mga nakamit nating tagumpay, kapangyarihan o kaibigan ang siyang nagtatakda kung ano o sino tayo. Ngunit alam naman natin na lahat ng ito ay hindi tumatagal. Ang pera ay nauubos, ang kapangyarihan ay maaaring bawiin, ang itsura ay kumukupas, at ang mga kaibigan ay pwedeng magtak-sil. Kung nakasalalay dito ang ating halaga o pagkakakilanlan, pwede tayong mabigo ng mga ito.
Saan o kanino nga ba dapat naka salalay ang ating halaga? Kung ti tingnan natin si Jesus, hina-hangaan siya at tinitingala ng mga taong nagnanais siyang gawing hari. Pero tinawag din siyang mani-nirang-puri, lasenggero, at si satanas pa. Kinapopootan siya ng kanyang mga kaaway at gusto pa nila siyang patayin. Paano nga ba hinarap ni Jesus ang ganitong mga akusasyon o panghuhusga? Paano siya nakapag-patuloy na magpahayag ng mabu-ting balita?
Nalampasan ito ni Jesus sapag-kat hindi sa mga papuri ng mga tao nakasalalay ang kanyang halaga o pagkatao. Sa Ebanghelyo, narinig natin na si Jesus ay galing sa Ama: “Ikaw ang aking Anak, ang aking Minamahal, ikaw ang aking Hini-rang.”
At dahil hindi nga nakasalalay ang kaniyang halaga o pagkatao sa mga makamundong pagpupuri, nakatuon siya sa mga atas ng Ama sa kanya. Ito rin ang ibig sabihin ng ating pagbibinyag. Nabigyan tayo ng bagong katauhan. Tayo ay mga anak ng Diyos at ang Espiritu ay na-ninirahan sa ating mga puso. Sana naririnig din natin ang ating Ama na nagsasabing, “Ikaw ay aking anak, ang aking minamahal.”
“Nagbibinyag ako sa inyo sa tubig pero dumarating na ang isang mas makapangyarihan sa akin. … Sa Espiritu Santo at apoy niya kayo bibinyagan.”
© Copyright Pang Araw-Araw 2022