Sa unang ina sinabi niya, “Uwi ka na, Ma.”
Hindi tanong, hindi utos, kundi simpleng sabi lang.
Parang, sabi ko, kabaligtaran noong tayo ang bata
at pinagsasabihan ng magulang.
Iba na ngayon, sila na ang pinagsasabihan
hindi tinatanong o inuutusan
sinasabihan lang. Wala lang, kasi, mahal lang.
Siya naman, sabi tungkol kay Mama,
“Masarap pala ang light lemon,
ngayon ko lang natikman.”
Ganon lang, walang mahabang usapan,
walang karugtong na “Di iinom ka na mula ngayon?”
Tuwa lang dahil marunong magbigay ng komento
na positibo, parang pasasalamat, at nakatikim
ng inuming ang tingin ng iba ay hindi maganda.
Wala lang, kasi, mahal lang.
Magkaibigan silang dalawa
at magkasama sa banda.
Magkaibigan ang kanilang mga ina
hindi na kailangang ipaliwanag pa.
Nagkita-kita silang apat
sa kaarawan ng aking inaanak.
Wala lang, kasi, masaya lang.
Di ba ang buhay, ganyan din dapat.
Simpleng pangungusap, simpleng tagay,
konting kantahan, maraming tawanan.
Wala lang, kasi, mahal lang.
Wala lang, kasi, masaya lang.
Abraham de la Torre