Ebanghelyo: Mateo 10:17-22
“Mag-ingat sa mga tao; ibibigay nga nila kayo sa mga sanggunian at hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga. Dadalhin din nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano. “Pag nilitis naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo’y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo. “Ipapapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin, ngu nit ang mananatiling matatag hanggang wakas ang siyang maliligtas.”
Pagninilay
Kahapon, ipinagdiwang natin ang araw ng kapanga nakan ng Panginoon Jesus at nanatili pa tayo sa panahon ng Pasko sa Kanyang pagpapakatao. Ang liturhiya ngayon ay paggunita kay San Esteban, ang pinaka-unang martir sa kasaysayan ng mga Kristiyanong ating natunghayan sa unang pagbasa. Ang Ebanghelyo ay patungkol sa mga panganib na haharapin ng mga alagad ni Jesus. Ang ganitong hanay ng liturhiya’y isang paalaala na ang ipinanganak na batang Jesus ay makakaranas din ng mga pa nganib at paghihirap; mag-aalay ng buhay dahil sa Kanyang misyon ng kaligtasan. Tulad ni Jesus, sinumang sumunod sa Kanya ay makikibahagi rin sa Kanyang pinagdaanan. Gayun paman, magtiwala tayo sa Panginoon na sinumang tu matanggap sa katulad na pag hihirap ay mananatili at magtatamasa ng panibagong buhay na walang hanggan. Si Kristo ay naparito upang ipagkaloob ang Kanyang sarili para sa kaligtasan ng lahat. Tulad ni San Esteban, tayo nawa’y maging handa sa pag-aalay ng ating sarili upang matuklasan natin ang pagbubukas ng langit at matanggap natin ang kabanalan.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023