Ebanghelyo: Lucas 2:41-52
Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Jesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Jesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila’t mga kakilala. Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem sa paghahanap sa kanya. At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. At namangha sa kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya. Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila. Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso. At umunlad si Jesus sa karunungan at edad at kagandahang-loob sa paningin ng Diyos at ng mga tao.
Pagninilay
Sa pagdiriwang natin ng Kapistahan ng Banal na Pamilya, kailangan na maging marapat ang pag-unawa natin sa salitang “Banal”. Ang kabanalan ay maaaring maunawaan hindi lamang bilang termino na tumutukoy sa pagiging puro (dalisay) o perpekto. Sa katunayan, sa mga tradisyon ng Bibliya, ang kabanalan ay higit na nauunawaan bilang paglalaan (consecration) o pagtatalaga (dedication) kay Yahweh; ang isang banal na tao ay nakalaan o para kay Yahweh. Ana, in the first reading, teaches us a very important lesson: the Lord hears the cry of those who call upon him unceasingly. She was conceded a son named him Samuel, meaning “Yahweh has listened”. But Ana gave him back to God: “Hiniling ko sa kanya ang batang ito at ipinagkaloob naman ni Yawe ang aking kahilingan. Kaya itinuturing ko ngayon na hinihingi siya ni Yawe. Para kay Yawe na siya sa buong buhay niya.” This is a much superior lesson we can learn from Ana: to give back what we earnestly asked. This is the real meaning of holiness and consecration: to dedicate to God what we mostly treasure. This reminds us of the widow who placed her offering in the temple (Mk. 12:41-43). The gospel reading narrates to us of certain difficulty in the life of the Holy Family. At the inquiry of Mary, Jesus answered: “‘Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?’ Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila.” Perhaps Mary and Joseph were still grappling to understand the vocation and mission of their Son. Jesus was already dedicated to his Father; he is already consecrated to do the will of the Father. In the Gospel of Luke the word “lost” may have the same connotation with death, and the word “found” may also have the same connotation with “life again”. The story of Jesus being “lost” and found in the temple may a foreshadowing of Jesus fate.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021