Ebanghelyo: Lucas 1:26-38
Sa ikanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Si nugo ito sa isang birhen na ipinag kasundo na sa isang lalaking nagnga ngalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng birhen. Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng gra s ya, sumasaiyo ang Panginoon.” Nabaga bag naman si Maria dahil sa pa nanalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito. At sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo’y mag lilihi ka at ma nganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus. Magi ging dakila siya at tatawa gin siyang Anak ng Ka taas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninu nong si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman; talaga ngang wa lang katapusan ang kanyang pag ha hari.” Sinabi ni Maria sa anghel: “Paanong mang yayari ito gayong di ako ginagalaw ng lalaki?” At sumagot sa kanya ang anghel: “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at siyang itinuturing na baog ay nasa ikaanim na buwan na. Wala ngang imposible sa Diyos.” Sinabi naman ni Maria: “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.
Pagninilay
Nagplano si Haring David na magtayo ng bahay-dalanginan para sa Panginoon. Natanto niyang habang siya’y nakatira sa isang kaharian, ang arko ng Panginoon ay isang tolda lamang. Gayunpaman, hindi sumang-ayon ang Panginoon dahil mas dapat na ang Panginoon mismo ang magtatayo ng tahanan para kay David. Mayroong ibang plano ang Panginoon. Kalooban ng Panginoon na manatili Siya sa bawat isa sa atin. Si Jesus mismo, ang Anak ng Diyos, ay nagtungo sa mundo at nanahan kasama natin bilang tao. Nagmula si Jesus sa sinapupunan ng isang ina tulad natin upang ang bawat sinapupunan ay maging banal dahil ang buhay ay biyaya ng Diyos. Mula sa sinapupunan nang isang walang bahid ng kasalanang ina, ang Salita ay nagkatawang-tao. Ito ang ating ipinagdiriwang ngayong pasko. Ang Diyos ay nananahan sa mundo kasama natin sa kagalakan at kalungkutan, mga kabiguan at tagumpay, sa buhay at kamatayan, upang tayo’y maging karapat-dapat sa kahariang inihanda Niya para sa atin. Tulad ni Maria, na tumanggap sa mensahe ng anghel, tayo rin ay inaanyayahan sa pagtanggap kay Jesus para manatili sa ating buhay. Ang Salita ng Diyos ay magkatawang-tao rin sa ating buhay. Sa pagdiriwang natin sa araw ng kapanganakan ni Jesus, tanggapin natin Siya sa ating buhay. Nang sa gayon, hindi na lamang Siya maipanganak sa sabsaban kundi sa puso ng bawat isa sa atin.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023