Ebanghelyo: Lucas 1:39-45
Nang mga araw ring iyo’y nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng akin g Pangi noon? Nang uma bot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan. Pinagpapala ang na niniwalang maga ganap ang mga sinabi sa kanya ng Panginoon.”
Pagninilay
Ang pagtatagpo ni Isabel at ni Maria ay isang makahulugang pangyayari. Ito’y tanda ng pagtatagpo sa Ma tandang Tipan na naglalarawan kay Isabel at sa Bagong Tipan na sinasalamin ni Maria. Isang matanda at batang parehas na nagdalang-tao sa kalooban ng Diyos. Napupuno sa Espiritu Santo, gumalaw sa kagalakan ang bata sa sinapupunan ni Isabel na nagsabing, “Pinagpala ka sa babaeng lahat at pinagpala naman ang bunga sa iyong sinapupunan.” Isang malaking kasiyahan ang pagdalaw ni Maria kay Isabel na naglalarawan sa katauhang nananabik sa pagdalaw ng Panginoon. Tulad ni Mariang nagtungo kay Isabel, hindi lamang upang dumalaw, upang samahan na rin siya. Si Hesus din ay dumating sa mundo upang makihalubilo at manatili kasama natin para ating matunghayan kung paano mabuhay sa tunay na kagalakan. Ang ating pakikisalamuha sa kapwa ay magdudulot din nang kasiyahan kung ating dinadala si Jesus patungo sa kanila. Tulad ni Maria, dalhin natin si Jesus sa mga nagsusumamo sa kanya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023