Ebanghelyo: Lucas 1:26-38
Sa ikanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Si nugo ito sa isang birhen na ipinag kasundo na sa isang lalaking nagnga ngalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria naman ang pangalan ng birhen. Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng gra s ya, sumasaiyo ang Panginoon.” Nabaga bag naman si Maria dahil sa pa nanalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito. At sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo’y maglilihi ka at ma nganganak ng isang lalaki na panga ngalanan mong Jesus. Magi ging dakila siya at tatawa gin siyang Anak ng Ka taas-taasan, at ibi bigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninu nong si David. Maghahari siya sa ang kan ni Jacob magpakailanman; talaga ngang wa lang katapusan ang kanyang pag ha hari.” Sinabi ni Maria sa anghel: “Paa nong mangyayari ito gayong di ako ginagalaw ng lalaki?” At sumagot sa kanya ang anghel: “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at siyang itinuturing na baog ay nasa ikaanim na buwan na. Wala ngang imposible sa Diyos.” Sinabi naman ni Maria: “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.
Pagninilay
“Napupuno ka ng grasya.” Sa kanyang pagkasimple at pagka-inosente, hindi natakot at naunawaan ni Maria ang mga salitang sinabi ng anghel tungkol sa kanya. Kapurihan ang mga balita ng anghel na pinili siya ng Diyos na maging ina ng Kanyang bugtong na Anak, na maghahari sa tahanan ni Jacob at ang kanyang Kaharia’y walang katapusan. Matatakot talaga ang sinuman sa ganitong kabigat na tungkulin. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang lahat, ang kanyang takot ay napalitan ng pananalig at pagtitiwala sa Diyos sa kanyang pagsambit na, “Narito ang iyong alipin. Maganap nawa sa akin ayon sa wika Mo.” Isa itong tugon na nagpabago sa kanyang buhay at sa buong sanlibutan. Dahil nito, natupad ang plano ng Diyos. Sa kanyang kabataan, inihandog ni Maria ang kanyang sarili upang maganap ang kalooban ng Diyos. Handa rin ba tayo sa paghahandog ng ating sarili upang tuparin ang kalooban ng Diyos? Hindi lamang para sa ating sarili, pati na sa atin g pamilya, pamayanan, at Simbahan? Walang imposible kung tayo’y handang tumugon sa tawag ng Panginoon na puno ng pananalig at tiwala.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023