Ebanghelyo: Mateo 1:18-25
Ganito ipinanganak si Jesucristo. Ipinag kasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. Habang iniisip-isip niya ito, napa kita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tang ga pin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espi ritu Santo kaya siya naglihi, at ma nganganak siya ng isang sanggol na lalaki, na panga ngalanan mong Jesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasa lanan.” Nangyari ang lahat ng ito para matu pad ang sinabi ng Panginoon sa pamama gitan ng Propeta: “Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y Nasa-atin-ang-Diyos.” Ka ya pagka gising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinang gap niya ang kanyang asawa. Ngunit hindi sila nag talik bago isilang ang sang gol. At pina ngalanan niya itong Jesus.
Pagninilay
Sa karaniwang karanasan, kung ang isang babaeng ipinagkasundo sa isang lalaki ay nagdalang-tao at hindi siya ang ama, normal na maisipan ng lalaki na makipaghiwalay. Binalak na hiwalayan ni Jose si Maria, hindi dahil sa ganitong kadahilanan. Inisip niyang hindi siya karapat-dapat na ikasal sa nagdadalang-tao na mula sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Sa mensahe ng anghel sa kanyang panaginip, hindi ito tinuloy ni Jose. Sa pagtanggap ni San Jose kay Jesus, natupad ang ipinangako sa Matandang Tipan na ang Mesiyas ay isisilang mula sa hanay ng angkan ni David. Ito’y natupad dahil sa paniniwala at pagsang-ayon ni San Jose sa plano ng Diyos. Ang buhay ni San Jose ay nagtuturo sa atin na ang pagtupad sa kalooban ng Diyos ay nangangailangan ng nagtitiwalang pananalig. Ang pagkilos ng Diyos ay iba sa pamamaraan at sukatan ng tao.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023