Ebanghelyo: Juan 1:6-8, 19-28
May taong sugo ang Diyos Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para sa pagpapatunay, para magpatunay tungkol sa Liwanag, upang makapanalig ang lahat sa pamamagitan niya. Hindi siya mismo ang Liwanag, kundi para magpatunay tungkol sa Liwanag. Ito ang pagpapatunay ni Juan nang papuntahin sa kanya ng mga Judio ang ilang mga pari at Levita mula sa Jerusalem para tanungin siya: “Sino ka?” Inako niya di ipinagkaila, inako nga niyang “Hindi ako ang Kristo.” At tinanong nila siya: “Ano ka kung gayon? Si Elias ka ba?” At sinabi niya: “Hindi.” “Ang Propeta ka ba?” Isinagot naman niya: “Hindi” Kaya sinabi nila sa kanya: “Sino ka ba? Para may mai sagot kami sa mga nagpapunta sa amin. Ano ba ang masasabi mo tungkol sa ‘yong sarili?” Sumagot siya gaya ng sinabi ni Propeta Isaias: “Tinig ako ng isang sumisigaw sa disyerto: Tuwirin ang daan ng Panginoon.” May mga pinapunta mula sa mga Pariseo. At tinanong nila siya: “Eh, ba’t ka nagbibinyag kung hindi ikaw ang Kristo, ni si Elias, ni ang Propeta?” Sina got sila ni Juan: “Sa tubig ako nag bibin yag ngunit may nakatayo sa piling ninyo na hindi n’yo kilala. Siya ang dumating na kasunod ko pero hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng kanyang panyapak.” Sa Betaraba nangyari ang mga ito, sa kabilangibayo ng Jordan na pinagbi binyagan ni Juan.
Pagninilay
Sa ikatlong Linggo ng Adbiyento, sinisindihan ang kandilang kulay rosas. Ito rin ang kulay sa damit ng pari sapagkat ating ngayong ipinagdiriwang ang Gaudete Sunday o Linggo ng Kagalakan. Nagagalak tayo dahil nalalapit na ang pagdiriwang sa araw ng kapanganakan ni Hesu-Kristo. Sa unang pagbasa, si Propeta Isaias na puno ng Espiritu ay nagagalak sa paggunita sa mapangligtas na mensahe nang araw ng Panginoon. Sa Ebanghelyo, nagpatuloy si Juan na Tagapagbinyag sa pagpapatotoo tungkol sa liwanag na darating, ang Mesiyas. Gamit ang mga salita ni Propeta Isaias, napuno siya sa Espiritu nang kanyang ipinahayag na nalalapit na ang kaligtasan sa pamamagitan nang paghahanda ng Kanyang landas sa pagbibinyag sa tubig at paanyaya sa pagbabalik-loob. Hindi pa nakilala ng mga tao ang Mesiyas. Para sa ating mga binyagan, natanggap natin ni Jesus, ang liwanag, at tinatakan tayo sa biyaya ng Espiritu Santo. Samakatuwid, tayo’y dapat na magalak sapagkat nakilala na natin ang Mesiyas at nananahan ang Espiritu Santo sa atin. Sa unang sulat at panalangin ni San Pablo sa mga tagaTesalonica, inaanyayahan tayo sa kagalakan at pagdarasal. Kalooban ng Diyos na magalak tayo dahil ipagkakaloob sa atin ang kanyang Bugtong na Anak, ang Liwanag, na Siyang nagligtas sa atin mula sa kadiliman.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023