Ebanghelyo: Marcos 1:1-8
Ito ang simula ng Ebanghelyo (o Magandang Balita) ni Jesucristo, Anak ng Diyos. Nasusulat sa Propeta Isaias: “Ipinadadala ko ngayon ang aking sugo na mauuna sa iyo para ayusin ang iyong daan. Naririnig ang sigaw sa disyerto: ‘Ihanda ang daan para sa Panginoon, ituwid ang kanyang landas’.” Kaya may nagbibinyag sa disyerto – si Juan – at ipinahahayag niya ang binyag na may kasamang pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Nagpuntahan sa kanya ang lahat ng taga-Judea at mga naninirahan sa Jerusalem. Inamin nila ang kanilang mga kasalanan at bininyagan sila ni Juan sa Ilog Jordan. May balabal na balahi bongkamelyo at pang-ibabang damit na katad si Juan, at mga balang at pulot-pukyutang-gubat ang kina kain. At ito ang sinabi niya sa kanyang panganga ral: “Parating na ka sunod ko ang gagawa nang higit pa sa akin. Hindi nga ako karapat-dapat yu muko para magkalag ng tali ng kanyang panyapak. Sa tu big ko kayo bininyagan, at sa Espiritu Santo naman niya kayo bibinyagan.”
Pagninilay
Sa panahon ng Adbiyento, mayroong dalawang Linggo patungkol kay Juan na Tagapag binyag. Ang una ay ang paghahanda niya sa pagdating ng Mesiyas na tumutukoy sa Ebanghelyo ngayon. Ang ikalawa naman ay ang kanyang pagpapatunay na si Jesus ang Kordero ng Diyos, Ginamit ang mga salitang ito ni Propeta Isaias sa kanyang paghahanda: “Tuwirin ang landas ng Panginoon, tuwirin ang mga landas.” Paano nga ba ang pagtuwid sa landas ng Panginoon? Sinabi ni Propeta Isaias na tatambakan ang mga kapatagan, pabababain ang mga burol, at papatagin ang mga ang lubak. Ang mga kapatagan ay ang mga bagay na nagkulang tayo tulad ng pagmamahal, pag-aaruga, at pagpapakumbaba. Ang mga burol ay ang mga bagay na labis sa ating buhay tulad ng pagmamataas, yabang, at kasakiman. Ang mga lubak ay ang mga panahong hindi tayo tumupad sa ating mga tungkulin. Sa panahon ng adbiyento, inaanyayahan muli tayo ni Propeta Isaias at Juan sa paghahanda, hindi lamang sa pagdiriwang ng araw ng kanyang kapanganakan, kundi na rin sa kanyang muling pagdating. Batay sa ikalawang sulat ni San Pedro, walang ibang nais ang Panginoon sa kanyang pagdating kundi pagpapakumbaba sa ating pagbabago. Kalooban ng Panginoon na matunghayan natin ang panibagong langit at mundo. Ito’y paghandaan natin sa pamamaraang naaayon sa kalooban ng Diyos.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023