Ebanghelyo: Mateo 9:27-31
Pag-alis ni Jesus sa lugar na iyon, sumunod sa kanya ang dalawang bulag na lalaki na sumisigaw: “Anak ni David, tulungan mo kami!” Pagdating niya sa bahay, inabutan siya ng mga bulag at sinabi ni Jesus sa kanila: “Naniniwala ba kayo na may kapangyarihan ako para gawin ang gusto ninyong mangyari?” At sumagot sila: “Oo, Ginoo!” Hinipo ni Jesus ang kanilang mga mata at sinabi: “Mangyari sa inyo ang inyong paniwala.” At nabuksan ang kanilang mga mata. Mahigpit naman silang tinagubilinan ni Jesus: “Mag-ingat kayo at huwag sabihin ito kanino man.” Ngunit pagkaalis nila, ipinahayag nila siya sa buong bayan.
Pagninilay
Mag-ingat kayo at huwag sabihin ito kanino man.” Bakit ito ang babala ni Jesus sa dalawang bulag na pinagaling niya? At bakit hindi sumunod ang dalawang pinagaling sa bilin ni Jesus? Kabasado ni ang katangian ng mga tao. Minsan parang mga bata tayo kung ipinagbabawal mas lalo nating ginagawa. Hindi naman talaga sinalungat ng dalawa ang babala ni Jesus. Samakatuwid, dahil sa kanilang pananampalataya kay Jesus at sa kanilang kagalakan ay hindi nila ito napigilan at ipinangaral nila ang kanilang kagalingan sa lahat. Ito mismo ang dapat nating gawin sa tuwing nakakatanggap tayo ng isang pagpapala mula sa Panginoon upang maipahayag kung gaano kaganda at kamaawain ang ating Panginoon.
© Copyright Pang Araw-Araw 2021