Ebanghelyo: Lucas 1:57-66
Nang sumapit na ang panganganak ni Elizabeth, isang anak na lalaki ang isinilang Niya. Narinig ng mga kapitbahay at mga kamag-anakan Niya kung gaano nagdalang-awa sa Kanya ang Panginoon kaya’t nakigalak sila sa Kanya. Nang ikawalong araw na, dumating sila para tuliin ang sanggol at pangangalanan sana nila itong Zacarias gaya ng Kanyang ama. Sumagot naman ang Kanyang ina: “Hindi, tatawagin siyang Juan.” Pero sinabi nila sa Kanya: “Wala ka namang kamag-anak na may ganyang pangalan.” Kaya sumenyas sila sa ama ng sanggol kung ano ang gusto Niyang itawag dito. Humingi Siya ng isang sulatan, at sa pagtataka ng lahat ay Kanyang isinulat: “Juan ang pangalan Niya.” Noon di’y nabuksan ang Kanyang bibig at nakalag ang Kanyang dila. Nakapagsalita Siya at nagpuri sa Diyos. Kaya namayani ang banal na pagkatakot sa kanilang mga kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pangyayaring ito sa buong mataas na lupain ng Juda. Nag-isip-isip ang mga nakarinig at nagtanungan: “Ano na kaya ang mangyayari sa sanggol na ito?” Dahil sumasakanya ngang talaga ang kamay ng Panginoon.Pagninilay
Kung gaano katagal na dinala ni Elizabeth sa Kanyang sinapupunan ang sanggol na si Juan ay Siya ring tagal na hindi nakapagsalita si Zacarias. Anu-ano kaya ang tumatakbo sa Kanyang isipan ng mga panahong iyon? Ang mga nagdaang buwan na yaon marahil ang nagbigay sa Kanya ng pagkakataong manalangin at magnilay-nilay habang pinagmamasdan araw-araw ang pagsasakatuparan ng pangako ng Diyos. At sa panahong dapat nang bigyan ng pangalan ang bata, lubusan siyang sumang-ayon sa pahayag ng anghel. “Juan ang Kanyang pangalan!” Tunay ngang mapagbiyaya ang Diyos. At sa muling pagbigkas ng Kanyang dila, unang namutawi ang pagpupuri sa Diyos. Tulad ng Kanyang mga kapitbahay, halina’t makigalak sa Kanya sapagkat maging sa ating mga buhay, mapagbiyaya ang Diyos.© Copyright Pang Araw-Araw 2019