Ebanghelyo: Mateo 11:28-30
“Lumapit sa akin, lahat kayong nahihirapan at may pinapasan, at pagiginhawahin ko kayo. Kunin ninyo ang aking pamatok at matuto sa akin, akong mahinahon at mababang-loob, at makakatagpo kayo ng ginhawa para sa inyong kaluluwa. Sapagkat mahusay ang aking pamatok at magaan ang aking pasanin.Pagninilay
Sa mga panahong mabigat ang ating dinadala sanhi ng napakaraming problema, naghahanap tayo ng makapagpapagaan ng ating kalooban. Sa mga panahong pagod at lupaypay ang ating katawan matapos ang buong araw na paghahanapbuhay, nagnanais tayo ng kapahingahan. Sa mga panahong magulo ang ating isipan, takot ang puso at mabigat ang damdamin, naghahanap tayo ng katahimikan at kapanatagan ng kalooban. Gusto nating umuwi sa ating tahanan. Gusto nating tumahan at humimlay. Sa mga ganitong panahon, sino nga ba ang ating babalingan? Walang anumang panandaliang aliw ang makapagbibigay ng kapahingan, tanging si Jesus lamang. Halina’t lumapit sa Kanya.© Copyright Pang Araw-Araw 2019