Ebanghelyo: Mateo 18:12-14
Ano sa palagay ninyo? Kung may sandaang tupa ang isang tao at naligaw ang isa sa mga ito, hindi ba Niya iiwan sa kaburulan ang siyamnapu’t-siyam para hanapin ang naliligaw? At sinasabi ko sa inyo: Kapag nakita Niya ito, mas matutuwa pa Siya rito kaysa siyamnapu’t-siyam na hindi naligaw. Gayundin naman, ayaw ng inyong Amang nasa Langit na mawala isa man sa maliliit na ito.Pagninilay
Kalimitan, mas isinasama natin ang ating mga sarili sa grupo ng siyamnapu’t-siyam na hindi naligaw at iiwanan ng pastol sa kaburulan upang hanapin ang nawawala. Ilan sa atin ang magsasabing “Ako ang nawawalang tupa.” Madalas sa hindi, madali tayong makaisip ng mga taong nawawala at naliligaw: ang kapatid nating nalulong sa masamang bisyo, isang kaibigang hindi pumapasok sa simbahan, ang kapitbahay nating may ibang pamilya. Ano ang pagtingin natin sa kanila? Nararamdaman ba natin ang ating kakulangan sa kanilang pagkawala? Hinahanap lamang natin ang isang bagay o taong nawawala kung sila’y mahalaga sa atin. Maghahanap ba tayo? Gayun nga ang gagawin ng taong nabanggit sa Ebanghelyo. “Ano sa palagay niyo?© Copyright Pang Araw-Araw 2019