Editor’s Note: The English version hereof, “The Secret to Happiness,” appeared on the March 15, 2016 Issue.
DAHIL SA MATAGAL nang hangarin ni Santa Brigida na malaman ang bilang ng mga hagupit na tinanggap ng ating Panginoon noong Kanyang Pasyon, isang araw ay nagpakita Siya at sinabing, “Tumanggap Ako ng 5,475 hagupit sa Aking Katawan. Kung nais mong parangalan ang mga ito, bigkasin ang 15 Ama Namin at 15 Aba Ginoong Maria, kasama ang mga sumusunod na panalangin (na itinuro sa kanya) sa buong isang taon. Kapag tapos na ang isang taon, iyong naparangalan ang bawat isa sa Aking mga sugat.”Mga PangakoIpinangako ng ating Panginoon ang mga sumusunod sa sinumang bumigkas sa mga panalanging ito sa buong isang taon:1. Aking ililigtas mula sa Purgatoryo ang 15 kaluluwa sa kanyang angkan.2. 14 na kaluluwa sa kanyang angkan ang makukumpilan at mapananatiling may biyaya.3. 15 makasalanan sa kanyang angkan ang magbabalik-loob.4. Sinumang bumigkas sa mga panalanging ito’y magtatamo ng pinakamataas na antas ng kabanalan.
5. 15 araw bago sumapit ang kanyang kamatayan, ibibigay Ko sa kanya ang Aking Kamahal-mahalang Katawan upang kanyang maligtasan ang walang-hanggang kagutuman; ibibigay Ko sa kanya ang Aking Kamahal-mahalang Dugo para inumin upang di-mauhaw magpasawalang-hanggan.6. 15 araw bago sumapit ang kanyang kamatayan, magkakaroon siya ng matinding pagsisisi sa lahat ng kanyang kasalanan at ganap na kamalayan sa mga ito.7. Ihaharap Ko sa kanya ang matagumpay Kong Krus bilang tulong at panangga sa pagsalakay ng kanyang mga kaaway.8. Bago siya mamatay, darating Akong kapiling ang pinakamamahal at minumutya Kong Ina.9. Buong giliw Kong tatanggapin ang kanyang kaluluwa at dadalhin ito sa walang-hanggang kaligayahan.10. Pagdating doon, pagkakalooban Ko siya ng natatanging inumin mula sa bukal ng Aking Kabanalan, bagay na hindi Ko gagawin sa mga hindi bumigkas ng Aking mga Panalangin.11. Ang sinumang namumuhay sa kasalanang mortal nang may 30 taon, subalit bibigkasin o may balak bigkasin ang mga Panalanging ito, lahat ng kasalanan niya ay patatawarin ng Panginoon.12. Ipagtatanggol Ko siya laban sa mga tukso.13. Pangangalagaan at babantayan Ko ang kanyang limang pandama.14. Pangangalagaan Ko siya upang hindi magkaroon ng biglaang kamatayan.15. Maliligtas ang kanyang kaluluwa sa walang-hanggang kamatayan.16. Makakamit niya ang lahat ng hihilingin mula sa Diyos at Mahal na Birhen.17. Kung habambuhay siyang gumagawa ayon sa kanyang sariling kalooban at mamamatay siya kinabukasan, palalawigin ang kanyang buhay.18. Sa tuwing bibigkasin ninuman ang mga panalanging ito, magkakamit siya ng 100 araw na indulhensiya.19. Makatitiyak siyang makakasama sa kataas-taasang koro ng mga anghel.20. Sinumang magturo ng mga panalanging ito sa ibang tao ay magtatamo ng patuloy na kaligayahan at kagalingan magpasawalang-hanggan.21. Kung saan binibigkas ang mga Panalanging ito o bibigkasin sa hinaharap, ang Diyos ay naroroon sa pamamagitan ng Kanyang Grasya.Lahat ng pribilehiyong ito’y ipinangako kay Santa Brigida sa pamamagitan ng isang larawan ng ating Panginoong Hesukristo na nakapako sa Krus, sa kundisyon na bibigkasin niya ang mga ito araw-araw; ipinangako rin ang mga ito sa lahat ng bibigkas nito nang buong taintim araw-araw sa loob ng isang taon.Sinumang tutupad nito sa loob ng isang taon at makapagdarasal ng 15 Ama Namin at 15 Aba Ginoong Maria sa araw-araw ay makapagdarasal ng mga panalangin na kasingdami ng bilang ng mga hagupit na tinanggap ng ating Panginoon sa panahon ng Kanyang Pasyon. Isinama ni Hesus ang mga Pinakadakilang Pangako sa pagsasakatuparan ng mga debosyong ito para sa kapakanan ng mga tumutupad sa Banal na Gawaing ito nang may pananalig at katapatan.Unang Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesukristo, Katamisang Walang Hanggan sa mga umiibig sa Iyo, Kagalakang hinihigitan ang lahat ng kagalakan at mithiin, Kaligtasan at Pag-asa ng lahat ng Makasalanan, sa pag-ako sa kalikasan ng tao kahit sa sandaling panahon nang dahil sa pagmamahal sa amin, Iyong pinatunayan na wala Kang higit na dakilang hangarin kundi makapiling ang lahat ng tao. Mangyaring Iyong alalahanin ang lahat ng paghihirap na Iyong tiniis mula sa unang sandali nang Ikaw ay ipaglihi, laluna ang Iyong pagpapakasakit, ayon sa iniatas at itinalaga sa Banal na Plano magpasawalang hanggan.Alalahanin Mo, O Panginoon, na pagkatapos Mong hugasan ang mga paa ng Iyong mga alagad sa Huling Hapunan, ibinigay Mo sa kanila ang Iyong Kamahal-mahalang Dugo at Katawan. Inaliw Mo sila habang isinasalaysay ang nalalapit Mong Pasyon.Alalahanin ang kalungkutan at kapaitang dinanas ng Iyong Kakuluwa habang Ikaw ay nagdarasal:Ang Kaluluwa Ko’y tigib ng hapis hanggang sa pagpanaw.Alalahanin Mo ang lahat ng takot, dalamhati at sakit na Iyong ipinagdusa bago Ka ipinako sa krus nang, sa kasibulan ng Iyong buhay, pagkatapos Mong magdasal nang tatlong beses na magkakahiwalay habang tigmak sa dugo, Ikaw ay ipinagkanulo ng isa sa Iyong mga alagad, si Hudas. Dinakip Ka ng taumbayan na Iyong hinirang at pinarangalan. Pinaratangan Ka ng mga bulaang saksi at walang katwirang hinatulan ng tatlong hukom noong panahon ng Dakilang Paskwa. Iyong alalahanin na kinuha ang Iyong balabal at, pagkaraan, ibinalabal sa Iyo ang mga pagkutya. Pinagbubugbog ang Iyong mukha at ang Iyong ulo ay pinutungan ng koronang tinik. Ang Iyong mga mata’y binulag ng dugo. Itinali Ka sa isang haligi, nalupaypay sa mga hagupit at nayanig sa mga abuso at insulto.Bilang alaala sa lahat ng pasakit at pagdurusa na Iyong tiniis bago sumapit ang Iyong paghihirap sa krus, Iyong marapating, nawa, bago ako mamatay, ako ay makapagkumpisal na may tunay na pagsisisi at mapatawad ang lahat ng aking kasalanan. Amen.Ikalawang Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Tunay na Kalayaan ng mga Anghel, Paraiso ng Kagalakan, alalahanin ang labis na takot at kalungkutang Iyong tiniis nang paligiran Ka ng Iyong mga kaaway na mistulang matatapang na leon at, sa pamamagitan ng libu-libong hagupit, insulto, hiwa at walang-katulad na kalupitan ay tahasang nagparusa sa Iyo.Sa pamamagitan ng mga parusa at salitang mapang-uyam, isinasamo ko sa Iyo, o aking Manunubos, na iligtas ako sa lahat ng aking kaaway, nakikita man o hindi. Nawa’y aking makamit ang kaganapan ng walang-hanggang kaligtasan sa Iyong kandili. Amen.Ikatlong Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, lumikha ng langit at lupa, Ikaw na hindi nasasaklawan o natatakdaan! Ikaw na lumilingap at lumulukob sa lahat ng nilalang na nasa ilalim ng Iyong makapangyarihang pagmamahal, alalahanin Mo ang napakapait na sakit na Iyong tiniis nang, sa pamamagitan ng malalaki’t mapupurol na pako at mga palo na sunud-sunod na inihampas sa Iyo, ay ipinako ng mga Hudyo ang mga banal Mong kamay at paa sa krus. Alalahanin, o Panginoon, ang Iyong walang katapusang dalamhati nang, ang Iyong malulupit at nagngangalit na tagapagparusa’y hindi nasiyahan sa kanilang kalupitan, pinalaki pang lubha ang Iyong mga sugat. Alalahanin ang Iyong matinding pagdurusa nang dagdagan pa ng Iyong tagapagparusa ang Iyong paghihirap nang iunat nila ang Iyong katawan sa krus at nilinsad ang Iyong mga buto sa walang awa nilang paghatak nang pahiwalay sa mga ito.Isinasamo ko sa Iyo, o Hesus, bilang alaala ng napakabanal at tigib-ng-pagmamahal na pagdurusang ito sa krus, na ipinagkaloob Mo sa akin ang biyaya na katakutan at ibigin Ka. Amen.Ika-apat na Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Makalangit na Manggagamot, na itinaas sa Krus upang ang mga sugat namin ay mapagaling ng Iyong mga sugat! Alalahanin Mo ang mga pasa at panghihinang Iyong tiniis sa buo Mong katauhan, mga kirot na kailanma’y walang makapapantay. Mula ulo hanggang talampakan, walang bahagi ng Iyong katawan na hindi nananakit. Gayunman, sa paglimot Mo sa lahat ng Iyong hirap, hindi Ka tumigil sa pagdarasal sa Iyong Banal na Ama para sa Iyong mga kaaway nang wikain Mong:“Ama, patawarin Mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”Sa pamamagitan ng Iyong dakilang habag, at bilang alaala ng pagdurusang ito, ang pag-alaala nawa ng Iyong pinakamapait na pagpapakasakit ay makapagdulot sa amin ng isang tunay na pagsisisi at kapatawaran sa lahat ng aming kasalanan. Amen.Ikalimang Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Salamin ng Walang-hanggang Kaluwalhatian, alalahanin Mo ang kalungkutang Iyong nadama nang makita sa kaliwanagan ng Iyong Kabanalan ang kapalaran ng mga maliligtas dulot ng Iyong Mahal na Pasyon. Kasabay nito, nakita Mo rin ang pulutong ng masasama na mapapahamak dahil sa kanilang kasalanan, na nagparating sa Iyo nang buong kapaitan ng kanilang kawalang-pag-asa, pagkaligaw at kasawiang-palad.Sa pamamagitan ng di-maarok na lalim ng Iyong awa at lalung-lalo na sa pamamagitan ng kabutihang Iyong ipinamalas sa butihing magnanakaw nang Iyong winika sa kanya:Sinasabi Ko sa iyo, ngayong araw na ito’y isasama Kita sa Paraiso.Nagsusumamo ako, Katamis-tamisang Hesus, na sa oras ng aking kamatayan, kaawaan Mo ako. Amen.Ika-anim na Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, pinakamamahal at pinakahahangad na Hari! Alalahanin Mo ang dalamhating Iyong tiniis nang Ikaw ay ipako at itaas sa Krus, hubad tulad sa isang karaniwang kriminal. Tinalikuran Ka ng Iyong mga kaibigan at kamag-anakan, maliban sa Iyong pinakamamahal na Ina at ilang naiwan noong Ikaw ay nag-aagaw-buhay.Alalahanin Mo ang Iyong dalamhati habang inihahabilin ang Iyong Ina sa Iyong matapat na disipulo nang winika Mo sa kanila:Babae, hayan ang iyong anak! Hayan ang iyong ina!Sa pamamagitan ng balaraw ng dalamhating tumagos sa kaluluwa ng Iyong Banal na Ina, isinasamo ko sa Iyo, o aking Manunubos, na mahabag sa lahat ng aking dalamhating ispirituwal at pisikal, at tulungan ako sa lahat ng aking pagsubok lalung-lalo na sa oras ng aking kamatayan. Amen.Ikapitong Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Walang Pagkaubos na Batis ng Habag. Sa atas ng matinding pag-ibig ay Iyong nawika mula sa Krus:Nauuhaw Ako!Ikaw ay nagdusa dahil sa pagkauhaw sa kaligtasan ng lahat ng tao. Isinasamo ko sa Iyo, aking Manunubos, pag-alabin sa aming mga puso ang hangaring maging ganap ang lahat ng aming gawain, mapawi sa amin ang kahinaan sa tawag ng laman at alab ng pagnanasang makamundo. Amen.Ikawalong Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Katamisan ng mga Puso at Kaluguran ng mga Kaluluwa! Sa mapait at maasim na alak na Iyong tinikman sa krus nang dahil sa pag-ibig sa amin, ipagkaloob Mo sa amin ang marapat na biyayang matanggap ang Iyong pinakamamahal na Dugo’t Katawan habang kami ay nabubuhay at sa oras ng aming kamatayan upang magsilbing lunas at kasiyahan ng aming mga kaluluwa. Amen.Ikasiyam na Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Dakilang Kabutihan at Kagalakan ng Isip, alalahanin Mo ang sakit na Iyong tiniis nang, tigib ng kapaitan sa pagsapit ng kamatayan, hinamak at nilapastangan Ka ng mga Hudyo, sumigaw Ka nang malakas na Ikaw ay pinabayaan ng Iyong Ama nang Iyong winika:Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?Sa pamamagitan ng dalamhating ito, isinasamo ko sa Iyo, aking Manunubos, na huwag Mo akong pabayaan sa takot at sakit ng aking kamatayan. Amen.Ikasampung Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Ikaw na Simula at Wakas ng lahat ng bagay, ng buhay at ng kabanalan, alalahanin Mo na para sa aming kapakanan, sumuong Ka sa walang-kapantay na pagdurusa mula ulo hanggang paa. Sa pagninilay-nilay sa Iyong di-mabilang na sugat, turuan Mo akong tupdin ang Iyong mga kautusan, sa pamamagitan ng wagas na pag-ibig, sapagkat ang pagtupad sa Iyong Banal na Kautusan ay madali para sa mga umiibig sa Iyo. Amen.Ikalabing-isang Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Walang-Katapusang Bukal ng Habag, alang-alang sa mga sugat na tumagos sa kaloob-looban ng Iyong mga buto at kaibuturan ng Iyong pagkatao, isinasamo ko sa Iyo na ilayo sa kasalanan ang hamak na makasalanang tulad ko, na puspos ng malalaking pagkakasala. Itago Mo ako sa Iyong mukhang may-katwirang mainis sa akin, itago Mo ako sa Iyong mga sugat hanggang sa mapawi ang Iyong galit at inis. Amen.Ikalabingdalawang Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Salamin ng Katotohanan, Sagisag ng Pagkakaisa at Tulay ng Pag-ibig, alalahanin ang katakut-takot na sugat na nagpasakit sa Iyo mula ulo hanggang talampakan – mga sugat na pumunit at nagpapula sa Iyong buong katawan sa pagbubo ng Iyong Banal na Dugo. O dakila at pandaigdigang pagpapakasakit na Iyong ipinagdusa sa Iyong Banal na Laman nang dahil sa pag-ibig sa amin. Katamis-tamisang Hesus, ano pa kaya ang Iyong magagawa para sa amin na hindi mo pa nagawa?Magbunga nawa ang Iyong pagdurusa sa aking kaluluwa sa pamamagitan ng matapat na pag-alaala ng Iyong pagdurusa. Lumago nawa sa aking puso ang Iyong pag-ibig sa bawat araw hanggang sa sandaling mamalas Kita magpasawalang-hanggan. Ikaw na Kaban ng lahat ng Kabutihan at lahat ng Kagalakan. O Katamis-tamisang Hesus, isinasamo ko sa Iyo na ipagkaloob Mo sa akin ang mahalagang handog na ito ng langit. Amen.Ikalabingtatlong Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Malakas na Leon, Haring Imortal at Di-nalulupig, alalahanin Mo ang sakit na Iyong tiniis at ang buo Mong lakas na mortal at pisikal ay lubusang napawi at Iyong iniyuko yaring ulo at winika:Natapos na.Sa pamamagitan ng dalamhati at hinagpis na ito, isinasamo ko sa Iyo, o Panginoon, na mahabag sa akin sa oras ng kamatayan, kapag ang isip ko’y lubha ang ligalig at ang kaluluwa ko’y labis ang dalamhati. Amen.Ikalabing-apat na Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Bugtong na Anak ng Ama, Luwalhati at Anyo ng Kanyang Diwa, alalahanin ang payak bagamat mapagkumbabang pagbibilin na Iyong ginawa sa Iyong kaluluwa sa Walang-maliw Mong Ama nang Iyong winika:Ama sa Iyong mga kamay, inihahabilin Ko ang Aking kaluluwa.Sa pagkadurog ng Iyong katawan at puso, at sa mga bukal ng Iyong habag na bumalong upang kami ay tubusin, nalagutan Ka ng hininga.Sa pamamagitan ng Iyong napakadakilang kamatayan, O Hari ng mga Santo, isinasamo ko sa Iyo na paginhawahin ako at palakasin upang labanan ang diyablo, laman at mundo, upang sa aking pagpanaw sa sanlibutan, mabuhay ako para sa Iyo lamang. Isinasamo ko sa Iyo na tanggapin ako, isang manlalakbay at itinapong bumabalik sa Iyo sa oras ng aking kamatayan. Amen.Ikalabinlimang Panalangin (Isang Ama Namin at isang Aba Ginoong Maria)O Hesus, Tunay at Mabungang Baging, alalahanin ang masaganang pagbubo ng dugo na buong puso Mong ibinuhos, katulad ng ubas na dinurog at piniga upang maging alak.Alalahanin Mo na inulos ng sibat ng kawal ang Iyong tagiliran at doo’y dumaloy ang masaganang dugo at tubig mula sa Iyong katawan. Tulad sa isang bungkos ng mira, Ikaw ay itinaas sa Krus, nalanta ang Iyong murang katawan at ang kaloob-looban ng Iyong mga buto’y natigang.Sa mapait na pagpapakasakit na ito at sa pagbubo ng Iyong kamahal-mahalang dugo, isinasamo ko sa Iyo, Mahal na Hesus, na tanggapin ang aking kaluluwa kung ako’y mamamatay. Amen.KatapusanKatamis-tamisang Hesus, ulusin Mo ang aking puso upang ang aking mga luha ng pag-ibig at pagsisisi ang magsilbing tinapay para sa akin sa araw at gabi. Nawa’y magbalik-loob ako sa Iyo nang lubusan. Manahan Ka nawa sa aking puso habampanahon. Makasiya nawa sa Iyo ang aking pagbabalik-loob at ang katapusan nawa ng aking buhay ay maging kapuri-puri, upang ako ay magindapat sa kalangitan at, doon, kasama ng mga Santo at Banal, akin Kang purihin magpasawalang-hanggan. Amen.PanalanginAking Panginoong Hesukristo, alalahanin Mong ako’y isang makasalanan.Kabanal-banalang Birheng Maria, ipanalanginmo ako. Ikaw ay laging pupurihin at luluwalhatiin. Ipanalangin ang makasalanang ito sa iyong pinaka-iirog na Anak. Kamahal-mahalang Kariktan ng mga Anghel, Propeta at Patriyarka, Korona ng mga Martir, Apostol at Kompesor, Luwalhati ng mga Serapim, Korona ng mga Birhen, iligtas mo ako sa lubhang nakakatakot na anyo ng demonyo kapag ang kaluluwa ko’y humihiwalay na sa aking katawan.O Kabanal-banalang Bukal ng Kabanalan at Kagandahan ni Kristo, Kagalakan ng Langit, Aliw ng mga Pari, Lunas sa aming mga Gawain sa Piling Mo, o Birheng Lubhang Mahinahon, masaya ang mga anghel. Ihabilin mo ang aking kaluluwa at ang kaluluwa ng lahat ng debotong Kristiyano. Ipanalangin mo kami sa iyong Pinagpalang Anak, dalhin kami sa Paraisong Walang Hanggan kung saan ka naghahari at nabubuhay magpasawalang-hanggan at doo’y magpipitagan kami sa iyo magpakailanman.Makapangyarihang Burheng Maria, Ina ng Buhay na Diyos, sapagkat iniluwal mo Siya, ipanalangin mo kaming makasalanan nang sa gayon kami ay mapatawad Niya at pagkalooban kami ng walang hanggang kaluwalhatian.Purihin magpasawalang-hanggan ang Banal na Pasyon at Kamatayan ng aming Panginoong Hesukristo. Amen.Dalangin sa Sugat na nasa BalikatItinanong minsan ni San Bernerdo sa Panginoon kung alin sa Kanyang mga pagdurusa at sakripisyo ang pinakamasakit at hindi halos batid. Sumagot ang ating Panginoon: “Mayroon Akong napakasakit na sugat sa balikat sa pagpasan Ko ng Krus sa mapait na daan patungong Kalbaryo, na nanakit sa Akin nang higit sa iba Kong sugat, na hindi kailanman nabatid dahil hindi nakita kailanman. Parangalan mo ang sugat na ito sa iyong mga panalangin at ipagkakaloob Ko ang anumang hilingin mo sa pamamagitan ng saysay ng sugat ding ito. At lahat ng magpipitagan sa sugat na ito’y magkakamit mula sa Akin ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan at hindi Ko na aalalahanin ang mga kasalanang mortal na nagawa nila at napatawad na.”O Pinakamamahal na Hesus, Lubhang Maamong Kordero ng Diyos, ako, isang miserableng makasalanan, ay nagpupugay at sumasamba sa mga sugat sa Iyong balikat likha ng mabigat na Krus na Iyong pinasan. Winasak nito ang Iyong laman at iniluwa ang mga buto sa Iyong balikat, na nagpahirap sa Iyo nang higit kaysa iba Mong sugat.Sinasamba Kita, O nahahapis na Hesus, pinupuri at pinasasalamatan Kita dahil sa Iyong kaibig-ibig at walang kasing-sakit na sugat. Sa pamamagitan ng labis na kirot at walang-katulad na bigat ng krus, kaawaan Mo ako, isang makasalanan. Patawarin Mo ang aking mga kasalanang mortal at benyal at patnubayan Mo ako patungong langit sa pamamagitan ng Daan ng Krus. Amen.Kay Hesus na PinabayaanPinakamamahal na Hesus!Ilang panahon nang Ikaw ay nakapako sa Iyong krus at dinadaan-daanan Ka pa rin at hindi pansin.Gaano kadalas Kitang dinaan-daanan – nagwalang-bahala sa Iyong matinding dalamhati, sa Iyong mga sugat, sa Iyong walang-maliw na pag-ibig.Gaano kadalas akong tumayo sa Iyong harapan, hindi upang aliwin at paginhawahin Ka, kundi dagdagan ang Iyong dalamhati, palalimin ang Iyong mga sugat, tanggihan ang Iyong pag-ibig.Iniabot Mo ang Iyong mga kamay upang iangat ako, kinuha ko naman ang mga kamay na iyon at muling idinipa sa krus.Ako’y Iyong inibig nang walang kahulilip, at pinagsamantalahan ko ang pag-ibig na iyon, upang lalong magkasala sa Iyo.Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa Ka sa akin.Abraham de la Torre