Ebanghelyo: Mateo 15:21-28
Pagkaalis sa lugar na iyon, pumun ta si Jesus sa gawing Tiro at Sidon. May isang babaeng Kananea noon na nag punta sa dakong iyon at sumigaw: “Pangi noon, anak ni David, maawa ka sa akin! Pina hihirapan ng isang demon yo ang anak kong babae.” Ngunit hindi siya tinugon ni Jesus kaya lumapit ang kanyang mga alagad at hiniling ng mga ito: “Paalisin mo na siya’t sigaw siya nang sigaw sa likod natin.” At sinabi sa kanya ni Jesus: “Sa nawawalang tupa ng bayan ng Israel ako sinugo.” Ngunit lumapit ang babae at lumuhod sa harap ni Jesus at sinabi: “Ginoo, tulungan mo ako!” Sumagot si Jesus: “Hindi tama na kunin ang tinapay sa mga bata at itapon ito sa mga tuta.” Su ma got ang babae: “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain naman ng mga tuta ang mga nalalaglag mula sa hapag ng kanilang mga amo.” Kaya nagsalita sa kanya si Jesus: “Babae, napakalaki ng iyong pana nalig! Maganap sa iyo ayon sa nais mo.” At nang oras ding iyon, gumaling ang kanyang anak.
Pagninilay
Sa simula, nais ng Diyos ang kaligtasan ng lahat niyang nilikha. Ang Panginoon ang Diyos sa sansinukuban. Kaya loob Niyang tipunin ang lahat sa kanyang plano nang kaligtasan. Nagpapakilala at nagpapamalas ang Diyos sa kasaysayan sa kanyang mga Salita, sa pamamagitan ng mga Propeta. Ngunit marami pa ring hindi nakikinig at tumutugon sa kanyang tawag. Dumating ang panahon na pumasok Siya sa kasaysayan nang mundo sa pamamagitan nang pagpapadala kay Jesus upang matuklasan ng mundo ang kanyang pagibig at awa. Sa paglalakbay ni Jesus sa mundo, untiunting ipinamalas ang pagsunod sa plano ng kaligtasan. Hindi namimilit ang Panginoon sa pagtugon ng tao dahil ang pananampalataya ay kinakailangang pangsariling tugon sa tawag ng Diyos. Sa Ebanghelyo, hindi agad Siya tumugon sa nais ng babaeng tagaCanaan hindi dahil siya ay Gentil. Nais ni Jesus na makita ang kanyang kakayahan sa sariling pagtugon – ang kanyang pananampalataya. Sa pagkakataong ito, lumiban si Jesus sa harang ng kulturang Judio laban sa mga Gentil. Isa itong pagkakataong ipinamalas ni Jesus, na ang kaligtasan ay para sa lahat ng tumatanggap sa kanya. Pananampalatayang walang kinikilingang tribo o kultura. Pinapaalalahanan tayo ni San Pablo na walang makakatakas sa nakapagliligtas na kapangyarihan ni Kristo dahil ang mga biyaya at tawag ng Diyos ay hindi mapipigilan ninuman. Ang lahat ay makakatanggap nito mula sa pananampalataya. Kahit nagkakasala tayo, ililigtas tayo ng Diyos. Siya ay puno nang pagmamahal at awa. Ang grasya ng Diyos ay nananahan sa atin. Nasa ating pagtugon ang pagtanggap nitong pananampalataya.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023