Ebanghelyo: Mateo 19:13-15
May nagdala kay Jesus ng mga bata para ipatong niya ang kanyang kamay sa kanila at madasalan. Pinaga litan naman ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. Kaya sinabi ni Jesus: “Pabayaan ninyo sila. Huwag ninyong pigilang lumapit sa akin ang mga bata. Sa mga tulad nga nila ang kaharian ng Langit.” At pagkapatong ni Jesus ng kanyang kamay sa kanila, umalis na siya.
Pagninilay
Tulad sa mga babae, sa kultura ng mga Judio, ang mga bata ay hindi kasama sa bilang. Kasama rin sila sa mga isinasangtabi sa lipunan. May mga pagkakataon maging sa ngayon na isinasangtabi ang mga bata sa pamayanang Kristiyano. Ang ibang magulang ay nangangambang magdala nang bata sa Simbaha dahil baka sila ay mapagalitan kung ang bata’y iiyak. Sa Ebanghelyo, nais ni Jesus na lumapit ang mga bata upang maipatong niya ang kanyang kamay sa kanila. Para kay Jesus, ang mga bata’y larawan sa mga karapatdapat makibahagi sa Kaharian ng Diyos. Ang mga bata ay may busilak na puso, pagtitiwala, at pagpapakumbaba. Sila’y hindi marunong maghinanakit at tu ma tanggap ng kung anong masilayan nila bawat araw. Ang mga bata rin ang pagasa sa kaginhawahan ng Simbahan. Nararapat lamang na bigyan sila nang tamang pansin at halaga sapagkat sila’y biyaya sa sambayanang Kristiyano.
© Copyright Pang Araw-Araw 2023