Ebanghelyo: Juan 3:31-36
Walang kapantay ang naparirito mula sa itaas. Maka-lupa naman ang mula sa lupa at makalupa rin ang sinasabi niya. Walang kapantay ang naparirito mula sa langit. Pinatutunayan niya ang kanyang nakita at narinig ngunit wala ngang tumatanggap sa kanyang patunay. Pinagtibay naman ng tumanggap sa kanyang patunay na totoo ang Diyos.
Sinasabi nga ng sinugo ng Diyos ang mga salita ng Diyos sapagkat walang sukat na ibinibigay sa kanya ang Espiritu. Mahal nga ng Ama ang Anak, at ipinagkatiwala sa kanyang mga kamay ang lahat. May buhay magpakailanman ang nananalig sa Anak. Hindi naman nakikita ng ayaw manalig sa Anak ang buhay kundi namamalagi sa kanya ang galit ng Diyos.
Pagninilay
“Ang Diyos ang dapat sundin kaysa sa tao.” Gawa 5:29 Sa mundong napaalipin sa sasabihin ng iba, na ang pagpili ay batay sa palakpak at papuri; masasabi bang may nabubuhay pa sa kalayaan. Pati mga mananam-palataya at tagasunod ni Jesus ay madaling nalilinlang ng mundo. Pa-gandahan ng advertisement at aliw na aliw naman nating pinakikinggan at pinanonood. Subalit ilan ba sa kanila ang totoo? Hangad ba nila ang ikabubuti ng mga tumatangkilik sa kanila o tanging sariling pakinabang lang pinagsisikapan?
Sa pakikipag-ugnay sa Diyos, ganito ang umiiral: minsa’y balisa si Santa Teresa de Avila. Pinayapa ng Panginoon ang kanyang damda-min nang ganito, “Teresa, atupagin mo ang mga bilin ko sa iyo, at ako ang bahala sa mga alalahanin mo.” Napakagandang bargain! Gaano na ba ang kaya kong gawin para sa Panginoon at tutumbasin Niya ito ng pangangalaga sa lahat ng mga intindihin ko! May hihigit pa ba sa ganyang kontrata? Kung bakit nga lamang napalalansi tayo sa mundo…
© Copyright Pang Araw-Araw 2022